14

6K 228 15
                                    


Make eye contact and use body language. Do not be afraid to use light touches, on his arm, on his knee, and even his hair. Use your body to flirt.

-How to seduce a man. Moira Javier's guide to Seducing A Bastard.

--------

Kinabukasan, pagpasok na pagpasok ni Ichiro sa kwarto ng ospital kung saan nakaconfine si Moira, agad siyang napako sa kinatatayuan niya sa likod ng pinto. Kumurap siya ng makadalawang ulit bago inilibot ang paningin sa paligid.

"Hey! Come on in! Anong ginagawa mo diyan?" turan ni Moira ng makitang napako siya sa kinatatayuan.

Tumaas ang kilay ni Ichiro pero hindi siya umimik. Something is up and yet, he can't pinpoint the exact feeling as to why he felt it. At kung ano man ang kakaibang iyon. Just some tiny, little detail.

"Did you bring my breakfast? I swear, I'm going crazy in here. Gutom na gutom na ako at ayaw nila akong pakainin." sumbong nito sa kanya. "Teka, saan ka galing kahapon? Bakit hindi ka na bumalik?" patuloy nito sa pagsasalita ng hindi man lang siya binibigyan ng pagkakataong sumagot.

Ngumisi siya. So damn cute.

"Oi Ichiro, alam mo bang bumaba ng tatlong kilo ang timbang ko mula ng maconfine ako sa ospital na to? I swear, kung wala ka sa tabi ko, malamang buto't balat na ako ngayon. Isa pa, ni hindi man lang ako binibisita nina Everly at Geno dito. Ano bang akala nila saken, hindi kailangan ng bumibisita? Aba, para na akong mamamatay sa pagkabagot tapos.."

Inilatag niya ang mga dalang pagkain sa maliit na mesa saka dinala iyon sa harapan nito.

"Eat chatterbox. Ang bilis mong magsalita, ang bagal mong kumain." nakangiting saad niya dito.

"Hmp.." humalukipkip ito pero ibinuka rin ang bibig ng subuan niya.

Ngumuya ito ng ilang beses pagkatapos ay nagsasalita na naman. "Alam mo bang isa ito sa pinaka-sosyal na ospital sa buong Pilipinas? Ang isang araw na pamamalagi ko dito, posible sigurong maikukumpara mo na sa overnight stay ko sa isang grand hotel. Wala akong pambayad dun ano.. Ang sa akin lang naman.."

"Ama-amahan mo si Everly, one of the world's most influential people. You don't have to worry." wala sa sariling saad niya.

"Pero hindi ako tumatanggap ng kahit na anong galing kay Everly. Sobrang dami niya nang nagawa sa akin, nakakahiya na."

"Okay then, I'll buy this hospital for you. Sapat na ba yun?" he uttered just to stop her from thinking about money. Damn, he'll even buy the imperial tower just to make her smile.
And then he realized..

Her smile! Holy shit. That's what he's been missing! The friggin' smile. That's what made the difference today. Ngayon niya lang ulit ito nakitang nakangiti after seven long days! And he didn't knew that it would only take one smile from her to light the burden in his chest.

"Whaaaattt!???" she screeched. "Egad, baliw ka ba?"

Napaisip si Ichiro. Siguro nga, nababaliw na siya. Hindi naman kasi siya ganitong klase ng lalaki. Just what happened to him, he doesn't know. Sana lang, kung ano man ang nararamdaman niyang ito kay Moira, mabilis lang itong lumipas gaya ng ibang hobbies and interests niya. Maybe, once he bed the girl, it would go away.

So he said he will marry her, but it doesn't mean that his life will revolve around her. No. That's not him and he will never let himself be that vulnerable. He will marry her, he will bed her and once this interest wanes just like all the others, he will give her a big house, grant her millions of pesos and ask her to leave him alone. After she gave him a son of course. Kailangan niya ng tagapagmana, kagaya ng mga kapatid niya.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon