"Damn it Ichiro, did you curse our daughter with your son-talk?" Nanggagalaiti si Moira habang pinagmamasdan ang anak niyang nakasuot ng jersey shorts at ternong jersey top. May hawak din itong basketball at pawis na pawis mula sa pakikipaglaro sa mga 'pare' nito na walang iba kundi mga pinsan niya rin.
"Baby naman. E hindi ko naman alam na babae pala yung nakita ko dun sa panaginip ko. Akala ko kase gandang lalaki lang, nagmana sa daddy." Kumindat-kindat pa ang loko habang unti-unti siyang niyayakap mula sa likuran.
What he meant was that moment when she was still in coma and he almost died. Palagi nitong sinasabi na nakita siya nito kasama ang anak nilang lalaki kaya naman ay puro blue ang binili nilang gamit para sa anak. Maging ang design ng kwarto ay panlalaki rin.
Magpapagender reveal na sana sila pero ang buang na Ichiro ay humindi, nakikipagmatigasan na lalaki ang nabuo ng kanilang umaatikabong aksyon.
Okay. At dahil mahal na mahal niya ang ogag, naniwala naman siya ng buong puso.
Pero anong gulat na lang nila noong umire si Moira, at umiyak ang bata at sinabi ng doctor, "Congratulations Mr. and Mrs. Montereal, its a girl!"
Sumirit ang dugo sa pagkababae niya ng marinig ang sinabi ng doctor, at kahit hinang-hina, nakuha niya pang batukan ang lalaki na parang tangang nakanganga habang kinakarga ang umiiyak na 'babaeng' sanggol.
"Fuck dude, I really thought you were a boy. I mean, you were wearing boy clothes there, hun."
Matapos kausapin ang anak, bumaling ito sa kanya at masuyo siyang hinalikan sa pisngi.
"Thank you for your wonderful gift. Gawa na lang tayo ng bagong baby para magamit natin yung binili nating boy clothes sa kanya." bulong nito.
Binatukan niya ulit. Hindi niya alam kung gugustuhin niya pang pagdaanan muli ang sakit. Pero kung para dito, handa siya, anumang oras.
Oh my God. Kakapanganak niya palang, iyon na agad ang iniisip niya?
Days later, they were discharged out of the hospital. Inilagak nila ang sanggol sa crib na pambabae, mga gamit na pambabae, mga damit na puro pink at ruffles. Walang kahit anong bahid ng panlalaki doon dahil agad-agad ang pag-hire ni Ichiro ng interior designer upang baguhin ang disenyo ng kwarto ng 'princesa' nila, as he quote.
Ang hindi nila alam, iyon din pala ang una't huli nilang pagkakataon na magkaroon ng 'say' sa damit ng anak. The moment she realized thay she was dressed in ruffles, she immediately shouted her disagreement, at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang pasan-pasan niya. Ang pagkababae ng kanyang anak. O ang kawalan nito.
"Jamaica, change your clothes please." saad niya rito nang maalala na may dadaluhan pa silang event ng pamilya.
Sumimangot ang bata at ipinakita ang pagkadismaya.
"Ugh mama."
Hindi niya iyon pinansin, sa halip ay binalingan niya ang kasambahay na nakaantabay sa kung ano ang kanilang ipag-uutos. "Ate Bevz, pakisamahan nga si Jam sa kwarto. May family reunion ng alas tres, we gotta go an hour early dahil baka maipit sa traffic."
Tumango ang katulong bago tumalikod upang tumalima.
"Ate, paki make sure na pambabae ang suot niya po."
Ngumiti ang kasama pero hindi na nagkumento.
Binalingan niya naman ang walang imik na lalaki sa kanyang likod.
"And you sir.."
"Paliguan mo ko misis."
Inirapan niya ito pero hinila parin papasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
General Fiction"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...