Not like Christian Grey's red room. That's for sure. Kahit siya ay napanood na ang sikat na palabas noon na Fifty Shades of Grey at ang kwartong ito ay malayo sa pulang kwarto ni Christian Grey, ang millionaire dominant ni Anastasia Stelle.
This room is dark. Chilling. Not passionate and warm.
Not dark per se, na walang ilaw kuno. No. Iyong aura ang ibig niyang sabihin at yung kulay. Madilim. Medyo hindi kagandahan ang pakiramdam niya pagkapasok na pagkapasok niya sa lugar na ito. Dito kasi, parang mas naging totoo ang sinabi ni Ichiro na tinulak niya ito sa kadiliman. This room symbolizes all of his demons.
There was a king sized black bed in the center of the room, and the glistening coverlet suggests silk of the most expensive quality. May dalawang unan sa gitna at apat na poste na may kulay itim din na kurtina. Sa tabi nito ay may isang lugar na naglalaman ng mga kung anu-anong bagay na nung nilapitan niya ay napag-alaman niyang mga posas, kadena, panali, latigo, maskara, busal, balahibo ng ibon at iba pang bagay na hindi niya malaman kung para saan. Sa kanan ay may isang mahabang kulay itim din na sofa habang sa kaliwang bahagi naman ng kwarto ay may nakabitin na lubid na ang dulo ay may pabilog na hawakan na yari sa balat. Isang kakaibang kilabot ang dumaloy sa buo niyang katawan at hindi niya napigilan na yakapin ang sarili.
Ang sahig ng kwarto ay parang iyong tiles ng chessboard, salit-salit na kulay itim at puti ang desenyo niyon habang sa paligid naman...
Hintakot na inilibot ni Moira ang kanyang paningin sa paligid ng kwarto.
Salamin.
Mula sa kisame hanggang sa mga pader na nakapalibot sa kanila ay puno ng salamin. May isang bahagi pa nga sa kwarto na hindi na tiles ang nasa sahig kundi salamin na din. Ibig sabihin ay kahit saan siya tumingin, makikita at makikita niya ang kanyang sarili.
At si Ichiro.
At kung ano man ang gagawin nito sa kanya.
Nanghihina ang tuhod na binaybay ni Moira ang lugar patungo sa sofa saka doon naupo. Bakit? Bakit pakiramdam niya ay nawala na lahat ng kakayahan niya bilang assassin? Bakit hindi niya magawang makaalis sa lugar na ito gaya ng kaya niyang gawin noon?
Hinatak niya ang kulyar na nakalagay sa kanyang leeg at sa isa pang pagkakataon ay napamura sa loob ng kanyang isipan dahil sa kanyang kahinaan.
So, he's really going to make her keel and make good of his promise na pagsisihin siya. Kinapa ni Moira ang dibdib niya sa mga posibleng pakiramdam ng pagsisisi na hindi niya pa pinatay si Ichiro nung mga oras na binigyan siya nito ng pagkakataon ngunit wala siyang naramdaman.
Hanggang ngayon ay hindi niya pinagsisisihan ang naging desisyon na huwag patayin si Ichiro. May kutob siya na kahit kailan ay hindi siya magsisisi sa ginawa niyang desisyon. Masaya siya na nagawa niyang magpakatotoo sa kanyang sarili at kung kinakailangan, tatanggapin niya ang kaparusahan na igagawad sa kanya.
The question is, will she be able to accept Ichiro's demon or will she finally succumb to hate when the time comes?
Napasandal siya sa upuan saka maingat na isinara ang kanyang mga mata.
Hindi alam ni Moira kung nakatulog ba siya dahil sa pagod habang nasa ganoong posisyon o baka nawala lang talaga siya sa isip dahil bigla na lang siyang napabalikwas ng biglang tumunog ang lock ng pinto. Agad na nanigas ang katawan niya na animo'y naghahanda sa laban upang sa huli ay manlata ulit ng makitang si Ichiro ang paparating. He was walking towards her in long purposeful strides but all of a sudden, he stopped. Nangunot ang noo niya ng makitang bigla itong natigil sa paglakad, kaya binusisi niya ang mukha nito sa mga posibleng dahilan. May nagawa naman ba siyang mali? May nangyari ba? But he wasn't looking at her. He was looking at the place somewhere in her hands.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
Fiksi Umum"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...