"Kat.." nilingon siya ng batang babae.
"Hmm? Yes mama?"
Gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib. Ang batang walang kamuwang-muwang. Ang batang hindi kailanman nakaranas ng pagmamahal. Why should she be included in this fucked up scheme?
Hinalikan niya ang noo nito saka malamyos na inayos ang tabinging sidebangs.
"Always remember that I love you, okay? Kahit ano man ang sabihin ko, kahit ano man ang gawin ko, behind it is my love for you.." pumiyok ang kanyang boses kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
"What are you saying mama? Akala ko po ay isasama niyo na ako pauwi dahil tapos na ang huli niyong misyon?"
Palihim na sinalo ni Moira ang luha na bumagtas sa kanyang pisngi.
Oh baby, if you only knew.
"Just.. remember Kat."
Kahit puno ng pagtataka ay nakuha pa nitong tumango, ang bata nitong isip ay puspos ng pagtitiwala.
Hinawakan niya ang kamay nito saka dinala sa pinakatagong lugar sa abandonadong pier na napili niyang tagpuan.
Get Geno and if possible, avenge her father's death by taking back the black org. But if not, if she can't.. atleast, make things right. Since she was the reason why Prudence was like that.
Naupos ang galit na lumukob sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang munting anghel na nasa kanyang harapan. This baby, this little girl deserves a mother. She deserve her true mom.
Hinalikan niya ang noo nito saka pabulong na nagsabi, "Don't let yourself out unless I call your name, honey. Promise?"
"Promise mama."
Tumango siya saka tumalikod upang harapin ang kanyang kaaway. She doesn't know if the woman will bring the organization. But she will take the risk. She will end this fucking gameplay once and for all.
Here is where everything stops. Ichiro and his father's insanity. Her lies. The broken hearts. This is the ending for them all. Ang hindi niya lang masabi ay kung buhay pa ba siya sa pagtatapos ng kanilang kwento.
"M-mama.."
Mahinang bumaling ang kanyang katawan pabalik.
"T-take care, he said."
Nangunot ang kanyang noo.
"Who, baby?"
Itinaas nito ang nanginginig na kamay saka itinuro ng katawan niya.
Ang tiyan niya.
Napaatras si Moira sa kanyang kinatatayuan. Nanghihinang napasandal siya sa isang abandonadong parte ng pier.
"H-he wants to l-live to see his daddy.. and you."
Isang hikbi ang kumawala sa kanyang bibig. Kasabay nito ay ang mas marahas na pagtangis.
Pinilit niyang kalimutan, oo. Pinilit niyang kalimutan na may laman ang kanyang sinapupunan. Just like how she usually stops thinking of everything whenever she's on a mission. This time, she also purposely forgotten that she's pregnant. And she's not just responsible for her life but to her child as well.
This little bean inside.
He's alive and she intends to keep it that way.
Pinunasan niya ang kanyang luha saka mas matapang na hinarap ang batang babae. She smiled with reassurance.
"I will take care of him. I will take care of you both. You'll be his big sister, is that okay?"
Tumango ang batang babae saka pinakawalan ang pagkakahawak sa kanyang palapulsuhan.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
Ficción General"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...