42

3.7K 155 26
                                    


"Ichiro!" Nanginginig na sigaw ni Moira ng makita ang pagragasa ng dugo sa tagiliran nito na animo'y isang gripong nabuksan ng sagad.

He looked at his side and his lips twisted in pain.

Kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot. At pag-aalala. 

"Duck. Shit." singhal nito sa kanya bago binalingan ang manibela upang buhayin ang  makina ng kotse na nakapwesto malapit dito.

Umugong ang ingay ng kakabukas pa lamang na makina at para sa kanya ay isa iyon sa pinakamatamis na ugong sa tanang buhay niya. Wala pa ngang isang segundo ay humahagibis na sila ng takbo sa kalsada.

"Pyre?" naghihisterya niyang tanong.

Tumango lamang ito pero wala nang ibang sinabi.

They were moving in 250km/h pero wala siyang pakealam. As long as makarating silang ligtas. As long as mapabilis ang paggamot sa sugat ng kasama niya.

Kagyat siyang napatili nung biglang may bumangga sa likod nila.

"Shit, who--?" Hindi natapos ni Ichiro ang tanong na iyon dahil bumangga na naman ang likod ng sinasakyan nila sa harapan ng van na nakasunod sa kanila.

Ibinaling niya ang tingin sa likod at nakita niya ang nakangising mukha ni Prudence.

Napasinghap siya ng mapagtanto ang isang katotohanang ito.

The assassin has turned rogue. Kailangan na nitong idespatsa. And why is Genocide and Everly letting this woman roam the earth without having the counsil hot on her heels?

Damn it. Matagal na siyang nangagagalaiti na tirintasin at pagbuhulin ang bituka nitong mas halang pa sa pahalang na linya. Simula pa noong mangialam ito sa plano niya kay Ichiro, kating kati na siyang makaisa sa babae.

Now is her chance.

Isa pang uga ang naramdaman nila nung muli nitong ibinangga ang sinasakyan sa sasakyan ni Ichiro. Despite the tension, she can hear the shrill sound of the woman's laughter. Parang demonyitang hindi mapagwari.

"Damn you Prudence. Akin kang babae ka." Ngitngit niya habang isa-isang binubuksan ang compartment ng kotse.

Napabaling sa kanyang ginagawa si Ichiro dahilan kung bakit bahagyang bumagal ang takbo.

"Eyes on the road Ichiro." Matigas niyang saad.

"What are you doing?"

"Looking for your damned gun."

Ang pinakahuling compartment ang binuksan niya at nakita niya ngang doon nakatago iyon. Kalibre '45. Yeah, this will hurt like hell.

"No..no..Moira!" Saway nito sa kanya subalit hindi siya papigil.

Kilala niya si Pru. This girl won't stop unless either one of them is dead. Kung relentless siya, mas relentless ito. Kung daredevil siya, mas demonyo ito.

But then today, she also has something to fight for. She has her baby and the father.

Binuksan niya ang bullet file saka tiningnan kung ilan ang laman ng baril, tumatango noong mapagtanto na puno iyon. Hindi automatic yung baril pero kaya na din. Mabilis din naman siyang kumasa kaya walang problema.

Tiningnan niya ang nakasimangot na mukha ni Ichiro bago nirolyo ang salamin ng bintana sa gawi niya.

"DAMN IT! DAMN!" Paulit-ulit na usal ng kasama niya na hindi na rin magkamayaw sa kakaayos ng manibela para lang hindi sila maaksidente. It was a deserted road. At sinakto ng mga gago na dun pa sila tambangan sa lugar na hindi masasaksihan ng kung sino. "Pick up the fucking phone Caden!?" sigaw nito sa nagriring na aparato. "Moira, stop! Ano ba!"

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon