18

5.2K 249 73
                                    

"Here. Isuot mo ang aviators ko kahit gabing gabi na. Mukha kang nakipagsuntukan dahil sa maga ng mata mo. Kawawang bata." umiiling na saad ni Grace ng dumating sila isang oras matapos ang usapan nila sa telepono.

Mabuti na lang at naisipan nang asikasuhin na ni Alex ang release niya ng hindi pinapaalam sa mga bodyguard niya.

Nung mismong pagkakataon kasi na tumuntong si Moira sa labas ng kwarto, agad na humarang si Winter sa kanilang dalawa ni Grace tinatanong kung saan ang punta nila.

Grace just looked him over from head to toe and said in a very haughty tone, "Iuuwi ko na ang kaibigan ko. You may step out of the way." saad nito.

Makikipag-umpugan pa sana si Winter sa willpower ni Grace kaso biglang dumating si Alex at hinila sila paalis. Alex made a very subtle move towards the place where he puts his gun dahilan para matigilan si Winter. They all know what that means.

Hugo on the other hand let them go dahil kilala naman nito ang mga kasama niya but she also know that Everly will be calling her any minute now. Ang kaso wala siya sa mood para makipag-usap sa kahit kanino. All she needed is a bottle of wine to help her sleep.

And then she's going back to work tomorrow.

Pumasok sila sa itim na BMW at dumiretso sa lugar nina Grace. Buong byahe ay walang imikan sa loob, and the blasted tears keep her from talking anyway. Kahit isang oras na siyang umiiyak, hindi pa rin naaampat ang luha sa kumakawala sa kanyang mga mata. Nang dumating sila sa bahay, Moira immediately went to the room that they always give her and then closed the door firmly without a by your leave.

Hinayaan naman siya ng dalawa at hindi na siya inabala pa sa loob. While in there, kinuha niya ang isang bote ng alak na nakatago sa mini-fridge saka nagsimulang magpakalasing. Nagsindi rin siya ng isang stick ng sigarilyo para kahit papano ay makatulong sa pagpapamanhid ng kanyang dibdib.

How long has it been since she felt this way? So long. Far too long to remember and yet, andito na naman siya at umiiyak. Pakiramdam niya ay dinadaganan ng isang malaking hollow block ang kanyang dibdib sa bigat niyon. She even thumps her breast just to ease the pain.

Ang totoo, hindi niya naman talaga alam kung bakit masakit ang puso niya. It's not like it's the first time that someone called her a whore. Yup, hindi nga siya tinawag na pokpok ni Ichiro pero ganun pa rin ang dating ng mga salitang iyon sa kanya. And by some damn strange reason, that particular man calling her that way really hurts like hell.

Isang nakahihiyang ungot ang kumawala sa kanyang lalamunan kasabay ng mas malakas na pagtulo ng kanyang luha. Naalala niya na naman ang sinabi ng gago. Ang katunayan niyan, paulit ulit na tumatakbo sa isipan niya ang saktong sinabi nito kani-kanina lang at kahit anong pilit niya ay hindi niya na magawang kalimutan ang mga nakaiinis na kataga sa kanyang utak.

Nangangalahati na siya sa kanyang inumin ng biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa kama. Hinuha niya ay si Everly iyon at kahit na malaki ang utang na loob niya sa ama-amahan, hindi niya magawang makahanap ng lakas ng loob para kausapin ito. He will ask. Hindi rin lingid sa kanya ang kagustuhan ni Everly na magkaroon sila ng ugnayan ni Ichiro.

She decided to ignore the call but when it persisted, tumayo na din si Moira at lulugo-lugong lumapit sa umiilaw na aparato. She brushed her tears and cleared her throat but her nose was clogged to the brim at kahit anong singhot niya, hindi iyon matanggal. Sa huli, ipinagkibit balikat niya na lang iyon saka sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?" she answered brokenly. Humihinga din siya sa bibig dahil hindi siya makahinga gamit ang kanyang ilong.

A telltale pause was heard from the other side followed by a hesitant call of her name. "Moira?"

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon