6

7K 295 12
                                    


"The chase is good, the adrenaline is addicting, but the kill---- God, the kill is empowering!"

--------------------------------------------------------

The assasin moved stealthily almost unnoticed in the dark. Her black cape swirling in the sudden breeze that ruffled the once silent surrounding. The trees began its endless dance as the wind picked up momentum and speed.

She smiled.

From the place where she is hiding, she saw that her victim's windows has gone still. No movement can be detected inside, meaning that Ichiro Montereal is already asleep now. This is the moment that she's been waiting for.

She saw his car move in almost about an hour and a half ago and she is positive that in here, the Elites are not present.

They all belive that Ichiro can't be touched within a top notch security. But they are all wrong. She can hack even the latest and most high-tech security in the whole world. She's good like that and she's proud of it. Malamang ay mapapasakamay niya na ang limang milyon na ipinangako ni Pyre Montereal bukas mismo ng gabi.

Ang isang assassin na gaya niya ay nangangailangan lamang ng isang pagkakataon para pumatay. Kahit gaano pa kahigpit ang seguridad ng target nila, hindi man lang siya dito kumururap.

Itinuturing siyang the 'Patient Killer' sa kanilang grupo dahil hinihintay niya ang perpektong pagkakataon para isang beses lang ang tira. Ang dahilan kung bakit siya ganun ay walang nakakaalam kundi siya lang. At kadalasan, pagkatapos ng pagpatay, alam na ng mga kasamahan niya na mawawala siya ng ilang buwan.

Nung una, isang buwan lang ang kailangan niya, ngunit ngayon at habang tumatagal, kinakailangan niya na ng mas maraming buwan, mas mahabang panahon. Ang pinakamahirap ay nung bigyan siya ng misyon na patayin ang isang labing-isang taong gulang na bata. Halos nawala siya nun ng kalahating taon. At kahit pagbalik niya, marami pa rin ang nagsabi na may nag-iba sa kanya.

Iyon ang isang bagay na hindi dapat malaman ng Kanang-kamay. Dahil iyon ang magdadala sa kanya sa pagkawasak. Lahat ng assassin na kinakikitaan ng kahit kaunting konsensiya ay agad na dinidispatsa. At yun nga ang dahilan kung bakit siya na mismo ang nagboluntaryo sa misyon upang patayin ang isang Montereal.

Hinarap niya ang maliit na laptop sa kanyang tabi at nagsimulang buwagin ang seguridad ng building kung saan naninirahan ang kanyang biktima. Inabot lamang siya ng limang minuto bago sinabi sa laptop na lahat ng lock ay hindi na aktibo. Makakapasok at makakaalis siya ng walang nakaaalam. Sunod niya namang inayos ay ang mga CCTV camera na nagkalat sa buong building, hindi niya pinagana ang mga camera na nasa linya na kanyang papasukan, sa halip ay pinalitan ito ng still-picture upang hindi maalarma ang mga security na nagbabantay doon.

Everything was looking good and great.

Kinuha niya ang kalibre '45 sa kanyang bag saka binuo iyon. Inilagay niya ang bala, ikinasa iyon saka sinubukang repasuhin kung maayos ang kalagayan nito bago niya inikot ang silencer sa bunganga ng baril. Pagkatapos ay isinukbit niya ito sa kanyang tagiliran. Tinanggal niya ang kanyang balabal, inilagay ang mga ito sa kanyang get-away bag saka ipinusod ang kanyang buhok upang hindi makasagabal.

At naglakad papasok.

Ang kulay itim na damit pantaas at ang kulay itim din na pantalon ang tutulong sa kanya na hindi maging kapansin-pansin ngunit kahit magsuot pa siya ngayon ng matangkad na kulay dilaw, malamang ay hindi pa rin siya mahuhuli. Tulog ang gwardya sa baba at halatang tulog din ang mga tao. Kahit mag cart-wheels pa siya ngayon dito, wala pa ring mangyayari.

Tuloy-tuloy ang lakad niya patungo sa unit ng kanyang biktima na parang siya ang may-ari nito. Pagdating doon, maingat at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon