She's dreaming. Of course it could only be a dream.
Pinanood niya ang kanyang mga paa na animo'y may sariling utak na gumagalaw patungo sa kung saan naroroon ang pagtitipon.
Kanina, matapos ang walang kwenta niyang pagwawala, she went to the bathroom and dried her eyes out. Iniyak niya lahat. Binuksan niya ang tubig upang kahit papano'y lagaslas ang maririnig at hindi ang nakalulunos na atungal ng kanyang pagtangis.
Pakiramdam niya ay namatayan siya sa sobrang lungkot.
Paulit-ulit na pagdurog ng puso na kahit anong hikbi niya, kahit na nga minsan ay hinahampas niya na ang sariling dibdib kapag nahihirapan siyang huminga -- hindi parin maibsan ang sakit doon.
Para bang may nasira sa pagkatao niya. Para bang nabuwag ang mundo niya.
Sa sobrang iyak ay hindi niya na napansin ang pag-ayos sa nagulong kwarto. Ichiro did not even bother to knock on the CR's glass door marahil upang pagtakpan sa fiancée nito ang nangyari sa loob. She clearly heard her voice when she started her hysterics kanina, asking Ichiro about what happened.
Lalong nadurog ang puso niya. Pinupunit.
Para siyang unti-unting nawawalan ng kagustuhang mabuhay.
When an elite-- namely Caden went up and knocked on her door, she was more peaceful. Andun pa rin yung sobrang kalungkutan pero kaya niya nang i-divert ang utak niya at blangkuhin ang nararamdaman. The tears have stopped, she can even smile.
But of course, peke at sobrang sakit.
Empty too.
"Moira, he wants you to come to the celebration."
So they are celebrating huh. Siguro bipolar ngang talaga si Ichiro. Or maybe he really is crazy. His personality is so contradicting kaya naman kahit nagsisisi ay naisip niyang tama din naman na hindi niya tinanggap ang alok nitong kasal.
"M-m-masakit ang u-ulo ko." saad niya gamit ang namamalat na boses.
Napangiwi siya ng marinig ang sariling boses. Halatang-halata kung ano ang ginawa niya sa loob ng CR, at medyo nakakahiya iyon.
Her emotions got the better of her kanina, maybe because of the pregnancy na din.
"He still wants you to come Moi." may pakiusap na sa tono nito. "He won't stop unless you come."
"Ano pa bang kailangan niya sa akin Elite?! How much more does he want me to b-break?" Muli ay napigtas ang lubid na itinali niya upang pigilan ang luha. Her voice broke from too much emotion but she harsly supressed it, giving no leave for the emotions to come.
"He wants you to come." malungkot na usal ng lalaki.
Bakit pa? Para saan pa? Bakit ako? Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito?
Lumapit siya sa sink at naghilamos doon. Namamagang mga mata, rosy cheeks and nose. Mukha na siyang si Rudolf the red nose reindeer dahil sa itsura ng tungki ng kanyang ilong.
She laughed.
A laugh so out of place na agad-agad ring nauwi sa iyak.
Naghilamos siya muli at sa awa ng Diyos ay napawi ang kanyang pag-iyak.
Cade decided to go first. Sumunod din naman siya.
Sumunod siya kasi kahit ayaw niya, alam niyang hindi titigil ang lalaki. Alam niyang gagawin nito ang lahat upang ipamukha sa kanya ang harap-harapan nitong pagpili sa iba. Alam niyang kailangang makita ng mismong mga mata niya ang lahat ng ito upang maitatak niya sa puso niya at upang hindi na siya umasa pang muli.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
General Fiction"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...