7

7K 248 16
                                    

"Hello Father?"

"Moira?"

"Yes.. It's me. Why?"

"We have a special meeting tonight daughter. Attend dinner with us."

"Now? With whom?"

"One of the owner's of the Montereal Empire. Ichiro Montereal."

A sharp indrawn breath and then, "What time?"

"Seven at the Restoration Hotel."

"Okay Father. I'll be there."

*****

Black Organization's Hideout

"Hello? Black Org's Right Hand Man on the line."

"Assassin number 14, reporting, sir."

"State your report."

"Sir, something happened yesterday. Failed mission attempt. Bullet wound on the right shoulder, backpack unretrieved."

"Damn it! How could this happen!?"

No response.

"Meet me at the Restoration Hotel, seven PM sharp."

"Yes sir."

------

May tatlong bagay na pinaniniwalaan si Moira. Una, malas ang itim na pusa. Pangalawa, malas ang number 13, pangatlo malas ang araw na ito.

Una sa lahat, halos hindi na nga siya makagalaw sa sakit na dinaramdam ng puson niya, hindi pa siya makakilos ng mabuti sa suot niyang evening wear at ang kanyang mataas na takong ay sadyang masakit sa paa. Hindi niya lubos maisip kung bakit pa siya umuoo sa kagustuhan ng ama-amahan na sumama siya sa dinner na ito.

Malamang sa malamang, nadakip siya ni Everly sa kanyang pinakamahinang oras, iyong tipo na konting aya lang sa kanya ay agad na siyang bibigay. Kahit kasi gustong-gusto niyang makita si Ichiro, ang nangyari kagabi matapos silang maghalikan ay patunay na hindi sila kailanman magkakasundo. Lalo pa at naisahan niya na naman ito sa mukha.

Kitang-kita niya ang pagguhit ng galit sa mga mata nito habang sinusundan siya ng tingin nung kumaripas siya ng takbo. Hindi niya kasi talaga alam kung anong nangyari, isang beses ninanamnam niya ang mga pakiramdam na binuhay nito sa kanyang katawan, ang sunod ay naisip niya na ang mga hindi nila pagkakapareho. Ang mga bagay na magdudulot sa kanila upang maghiwalay.

Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pangako ng paghihiganti. Dagdagan pa na malalaman nito na may koneksyon siya sa isa sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas, malamang ay hindi na siya nito titigilan pa. Gagamitin pa nito ang koneksyon kay Everly upang lalong magkrus ang kanilang mga landas.

Napabuga ng hangin si Moira habang naghihintay ng sundo na pangako ni Everly. Hindi daw kasi bagay sa damit niya ang kanyang bagong tune-in the pick-up truck kaya kukunin na lang siya ng chaffeur nito. Wala din naman siyang magagawa. When it comes to Everly, she aims to please. Halos lahat siguro na gusto nito, hangga't makakaya niya ay gagawin ni Moira.

Isang mahinang busina ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Sumilip siya sa binatana at nakita na may mga kabataan na tinitingnan ang halaga ng bawat pyesa ng kotse mula sa malayo. Malamang, tinatantya na ng mga ito ang kabuuang halaga ng pwede nilang makuha oras na mapasakamay nila ang sasakyan.

Sa kasamaang palad, ang kanilang chaffeur na si Alexandro ay hindi basta-basta matitinag. Pinili ito ni Everly dahil alam niyang magiging ligtas siya kapag si Alexandro ang kasama niya. Ganun din, ang mga kabataang ito ay mas magiging ligtas kung titigilan na nila kung ano man ang binabalak nila.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon