36

3.2K 126 15
                                    

Moira took her time washing the dirt off her body. Una ay naligo siya sa shower pagkatapos ay nagbabad naman siya sa jacuzzi.

After that incident in the dungeon, hindi niya na naman ulit nakita ni anino ni Ichiro kaya naman kahit papano ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi pa siya handang harapin ito at ipaalam ang kinatatakutan niya. She thinks she will never be ready for that in this lifetime.

She was now in a new place, a different room from her first time. Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ni Caden pero nasisiguro niyang malayo ito doon sa dating kwarto na inukupa niya. Everything here screams pristine. White sheets, creamed wall. Lahat ng disenyo ay ginawa upang ipakita na napakamala-prinsesa ng kwarto. Kung may kulay man ay kaunti lamang iyon, mas aninag pa rin ang puti. The windows were ankle deep, kaya naman ay nakikita ang labas ng bahay.

Unlike that first room na kita ang garden, this place is placed facing the forest. Gigantic forest trees stand unyielding at kapag binuksan niya ang glass panel, tiyak niyang mga huni ng ibon ang sasalubong sa kanya doon.

It was both amazing and lush that even her heart decided to make this one her place. Her own.

Ang pinakaunang ginawa niya kanina pagkadala sa kanya sa kwarto ay libutin iyon at tingnan kung may nakatagong CCTV. She found one hidden in a vase, and then another placed near the wall giving an over-all view of the whole room. Agaran niya iyong kinuha saka sinira dahilan kung bakit napabalik si Caden sa kanyang kwarto.

Pagkabukas na pagkabukas niyon ay agad niyang itinapon ang durog na mini CCTV sa katawan nito saka tinaasan ng kilay ang elite. He only took a look of her bitchy face, stooped down to collect the broken things and then turned to go. Pero bago ito tuluyang umalis, he pivoted slightly as if may nakalimutan itong sabihin.

And then he said, "The cameras are not to spy on you. The boss is very vocal about  your protection and won't risk a single spot of danger kaya ka may ganyan." Paliwanag ng kausap.

Moira tilted her head and tsked. Umiling siya at nagpaumanhin. "You can also refresh his memory elite. I am a trained assassin. I can take care of myself."

Nagtitigan sila na para bang dalawang nagsusubukang leader. In a way, Moira is also part of the leadership in the organization. She is an alpha kaya naman ay ramdam niya rin sa kausap niya ang otoridad nito. But she won't back down.

"I will." Tanging sambit bago ito lubusang umalis.

Bumalik siya sa loob at ipinagpatuloy ang gawain. After her long shower, she went to a walk in closet. Isusuot niya ang kahit anong makikita niyang damit doon dahil hindi niya na kaya pang manatili sa marumi niyang suot. What she did not expect was the sheer amout of dresses and clothes that matches exactly her figure.

She chose a rugged pants, with crisscross rips and a crop top reaching her belly button. Kapag itinataas niya ang mga kamay niya ay lumilihis iyon pataas dahilan upang makita ang kanyang tiyan. Unfortunately, kahit na ayaw niyang bigyan ng atensiyon ang kanyang tiyan, wala siyang magagawa dahil wala man lang kahit isang t-shirt sa hilera ng kadadamitan.

Ichiro knew that she's more of a tshirt/jeans girl kaya naman ay napaisip siya kung kanya ba itong mga to o may ibang babae na dapat ay nagmamay-ari ng mga iyon.

Somehow, thinking that Ichiro is housing another girl makes her seethe in a very unladylike manner. Nag-aalpasan ang galit sa kanyang loob at kahit pa hindi nakukumpirma ay positibo siyang hindi kanya iyon.

Damn. Did Caden put her in the wrong room?

Lumabas siya sa kwarto upang bagtasin ang lugar kung saan alam niyang naroon ang mga elite. She has to ask, be ause she can't bear to be made a fool. Ayaw niya sa lahat iyong pagmumukhain siyang tanga.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon