20

6.3K 234 17
                                    

"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin nagagawa ang misyon mo." bungad ni Pyre Montereal sa babaeng isinugo ng organisasyon upang patayin ang kanyang trahidor na anak.

Nasa isang abandonadong building sila ngayon, at mapaghahalata sa babae na wala sa usapan ang isipan nito. Natatabunan ng itim na tela ang mukha nito at ang tanging nakikita niya ay ang mga mata na kanina pang pabalik-balik ng tingin sa orasan na nakalagay sa balingkinitang pulsuhan. Kaya naman, kahit pilitin niyang habaan ang pasensya niya kanina pang nagpuputok ang butse niya. At alam niyang konting-konti na lang, maaari niya nang patayin ang mamamatay-tao na nasa harap niya.

Gaano ba kadali na kunin ang baril na nakasukbit sa pantalon niya at iputok iyon sa nakakainis na pagmumukha ng assassin?

"Are you listening to me?!" dagundong ng boses niya dito.

Saka pa lang nalipat ang tingin ng assassin sa kanya, ngunit kung nagulat man ito, wala siyang ibang nabasa sa mukha ng babae kundi ang bahagyang pagkabagot. Ni hindi man lang nito napapansin na pinapatay niya na ito sa isipan niya.

"Move your arm just a little bit towards that gun and I'm gonna blow your head into tiny little pieces and send it to your son, Pyre." mahinahong tugon ng babae na animo'y nag-uusap lang sila ng tungkol sa klima ng bansa.

Pyre stiffled an angry gasp as he came to a sudden realization. The woman is really trained. Ni hindi niya alam na nakikiramdam pala ito. He was the one who knows nothing.

"What are you talking about? I am not--"

"Pyre, Pyre, Pyre.." tumatawang saad nito, "kung ikukumpara ka sa akin, para ka lang isang batang uhugin na puro satsat, wala namang binatbat."

"How dare you!" sigaw niya dito.

The woman turned her head towards him and blinked. "You want me to show you?"

Bago pa man siya makahugot ng panibagong hininga, nakatayo na ang kausap niya at naagaw na ang baril na itinatago niya sa kanyang beywang. Naikasa na nito iyon at nakatutok na sa kanya ang butas ng baril. She was one click to blowing his brains away.

"Hey! Hey.. Calm down. What are you doing? I am not the enemy here."

"I am nobody's enemy and nobody's friend. I can easily kill you right here right now. Raise your voice one more time and I will remove your larynx permanently." saad ng babae.

"Y-yes.. Yes." tugon niya para lang matanggal ang pagkakatutok sa kanya ng baril.

The woman chuckled evilly and made a show of taking the gun away. And then when he least expected it, she thumped the butt of the handle in his left cheek making him stagger from his chair. His head snapped to the right as his anger towards her grew.

He swore in his mind that the moment she killed his son and he took the millions back, he will hire a new assassin and kill this damn whore.

She leaned down and hold his hair painfully in her small hands. "I hate it when people underestimate me. Be careful next time will you?" bulong nito sa tainga niya.

Tumango siya upang ipakita ang kanyang pagsasang-ayon at upang matanggal na din ang kamay nito sa kanyang buhok. All the time, he was swearing her from hell and back.

Sa wakas ay napagod na din ito ng kakahawak sa kanya kaya binitawan na nito ang hawak na kumpol ng buhok. But she harshly released his head making it snap back in his neck.

Tinalikuran siya nito habang kinakalas ang baril na pag-aari niya at nagsasalita, "I will ask for a bigger compensation, hindi pala ganun kadali patayin ang anak mo. Ten million instead of five."

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon