Dedicated sa lahat ng nagbabasa nito kahit di ko kilala. Maraming salamat po sa inyo!:)
Chapter 6
Ilang linggo na din ang lumilipas simula ng nag- umpisa ang klase. Madami na ding mga activities na ginagawa mostly sa world lit. , yung subject na tinuturo ng crush ko as in CRUSH na IDOL ah. Hindi crush crush, gets?( defensive lang noh?HAHAHA:P)
Nakakaloka man isipin pero sa paglipas ng araw, haha kala mo ang tagal eh. Pero seryoso, ang laki ng paghanga ko sa kanya. Di lang kasi siya gwapo, ang galing pa niyang magturo. Atsaka di lang kami natututo, ang bawat isa sa amin ay nag-eenjoy pa.
Ang dami niyang pa- activity. Oo inaamin ko na medyo mahirap o matrabaho yung pinapagawa niya pero ang saya lang.
First week pa nga lang may project na, maganda nga yun para mas mapaghandaan pa lalo yung video presentation. Ah, oo nga pala video presentation yung project namin for midterm bale pa-trailer type sa mga movie. Pipili kami ng isang kwento sa mga ma-didiscuss namin tapos gagawan namin ng trailer (okay, true po ito naging project ni ULEENG. Thats me urs truly sa world lit namin nung 3rd yr. ako, haha in-adapt lang po. Di ko sariling idea ang proyektong ito sa amin instructor po. Maraming salamat!:)). 2 times a week ang klase namin sa kanya so 1 lesson per week kami. Sa 1 hour kami nag-ququiz, yung 2 hrs. yung discussion. Divided din pala kami into groups katabi ko yung mga ka-grupo ko sa 3rd row last group kasi kami pero nakapag-establish na ako ng rapport sa kanila kaya comfortable na kami sa isa't isa.
Sa mga weeks din na pinagsamahan namin ng buo kong classmates slash blockmates ay sobrang saya. Ang dami ko na ngang nakasundo sa kanila. Lahat ata tawag sa akin ay kuya, kahit yung mas matanda sa akin pero oks lang yun, masaya din ako na kasama sila. Pero meron na talaga akong matatawag na barkada, ito sina syempre si Kaye ang aligagang president ng klase, si Julian na napaamin ko sa tunay niyang katauhan at si Mia ang babaeng tinubuan ng kakapalan ng mukha. Iba-iba kami ng ugali pero ang saya ng munting grupo na nabuo ko sa mga nakalipas na linggo.
Alam din pala nila ang pagkakaroon ko ng paghanga kay Sir Cloud. At iyon ang isang ikanalulubog ko sa kahihiyan, alam niyo ba kung bakit?
Ang mga lukaret kung itukso ako kay sir kulang na lang ipagsigawan sa buong campus yung paghanga ko. Alam niyo yung pagdumadaan si sir bigla nila itong tatawagin tapos ipagtutulakan ako paharap sa kanya. Hay, kung di lang ako laging umiinom ng gamot at namomonitor ni Derry sa mga activities baka on the spot nagkaheart attack ako. Oo nga pala speaking of Derry, hindi ko ata nakikita yung ngayon, alam ko wala siya ngayong duty sa ospital ah. Sa campus sila ngayon eh pero bakit kaya di pa yun nagpaparamdam? Hmm.
"TJ! Ano ba yan? Tagal mo naman mag-net. Nakakainip ah." aburidong sabi sa akin ni Mia.
Tumingin ako sa kanya na may apologetic na tingin.Ano ba yan nadistruct na naman ako.
"Sorry, may inuupdate lang ako. Ito naman kanina hinantay kita eh." nakanguso ko na sabi.
Nagtatype kasi ako kanina bago ako malihis sa mga pinag-iisip ko.
Sumimangot lang siya sa akin.
"Oh siya, nako. Kung di lang ako ang unang naghingi ng favor." sabi pa nito.
Ngumiti na lang ako sakanya at tinuloy yung ginagawa ko.
Nag-update kasi ako ng isa kong story sa wattpad, wala eh ang tagal niya kasi kanina kaya ayan. Tinapos ko na ang huli kong inedit and then, POST!
Hindi ko na hinintay kung may mag-cocomment o may response pa kahit kanino. Nilog-out ko na yung account ko tapos nagshut down ng pc.
After kung magbayad ay pumunta na kami ni Mia sa room namin for this afternoon. Imemeet namin yung adviser namin. I-dedeploy na pala kami for student teaching namin. Di ko alam kung saan akong school ma-aasign medyo kabado nga e kasi first time .
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...