Chapter 8

1.2K 41 1
                                        

Dedicated sa lahat ng graduate ngayong 2013-2014.

Chapter 8

Shock!

Ito ang una kong naramdaman ng pumasok ako ng school na pag-oojtihan ko. Grabeness! Buti na lang kasama ko ang mga bruha kundi ,waley na ako.

Nakakaloka, sobra akong kinakabahan ang daming bata. Ang daming, ano ba ang tamang term? Ang daming magulo. Pagpasok ko pa lang sa classroom na na-assigned sa aking hindi ko alam kung maiiyak ako o ano e. Ang dumi. As in ang mga papel nakakalat, yung mga estudyante nagkakagulo. Basta! Nakakahimatay.

"Okay Class! Magsiupo nga!" Sigaw nung coop teacher ko.

Napahinto ang lahat na gumalaw at isa-isang nagsipuntahan sa mga upuan.

Buti na lang isang tawag lang sa kanila ay sumunod na. Paano kaya kung ako na lang? Yayks! Kakatakot.

"Class, ito nga pala si Teacher Terrence. Isa siyang student teacher, lahat ng ginagawa niyo ay recorded niya kaya kung sakali na nagpasaway kayo malalaman ko at pati na ding ng school niya, kaya dapat maging behave. Maasahan ko ba kayo Grade V Bonifacio?" sabi ng coop teacher ko. Lahat naman siya ay nag-yes ma'am bago nagpasya ni ma'am Fern umalis. Si Ma'am Fern Gonzales ang pangalan ng cooperating teacher ko. At ito na ang time ng pagiging teacher ko.

"Oh, Terrence ikaw na muna ang bahala sa mga batang iyan. May ginagawa pa kasi ako sa office pero wag kang mag-alala mababait ang mga iyan." nakangiting sabi niya.

Tumango naman ako at muling humarap sa mga "estudyante ko".

"Hello sa inyo! Ako nga pala ulit si Teacher Terrence sana maging maayos ang ating pagsasama." ngiting wagas kong pakilala.

Halos mamula lahat ng estudyanteng babae, nagtaka pa nga ako kasi parang kinikilig silang ewan.

"Ah, so kayo naman. Pakilala kayo, alam kong kilala niyo na ang isa't isa pero ako hindi pa kaya. State your name or nickname then favorite, kahit anong favorite niyo. Naiintindihan ba?" tanong ko sa kanila.

Lahat naman sila ay umuo at nag-umpisa akong tumawag ng bata sa gitnang row.

"Okay, you! What's your name?" tanong ko sa nasa batang babae na kanina ko pa napapansin na nakatitig sa akin.

Namula muna siya bago tumayo.

"Ah-ah I'm Kylie Mendo-doza sir. I, my favorite ah favorite is ice cream." nag-stutter na sabi niya.

Nginitian ko siya, kinakabahan e.

"Oh, mahilig ka pala sa ice cream favorite ko din kasi iyon." sabi ko.

In My Dying DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon