Chapter 7

1.3K 32 1
                                    

Chapter 7

"May mga bagay na unexpected yung di pa natin iniisip nangyayari na kaagad."

Nagising ako na masama ang pakiramdam. Ang sakit ng ulo ko at medyo nahihirapan akong huminga. Nakakainis. Mag-uumpisa pa naman ngayon ang pagstudent teaching namin.

"Terrence anak, bangon na ngayon di ba yung first day niyo sa mga elementary school." narinig kong sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

Pinilit kong tumayo at binuksan ang pinto. Nang nakita ko si mama ay kumiss ako sa kanya and of course smiled para di mahalata na di maganda ang pakiramdam ko.

"Okay po, ligo lang." sabi ko.

May pagtataka sa mukha niya kung bakit parang matamlay ako pero tumango na lang siya at lumabas ng kwarto. Pumasok ako ng CR para maligo pero on the way ay nakaramdam ako ng parang nasusuka kaya agad akong dumukwang sa lababo.

Ang tagal ko sa ganoong posisyon na parang pilit may gustong lumabas sa sikmura ko pero wala naman talaga. Huminga ako ng malalim dahil parang kinakapos ako ng hininga. Buti na lang nawasa yung tubig sa gripo kaya nakainom kaagad ako na kinaginhawa ng pakiramdam ko.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin at napasimangot ako sa itsura ko. Chaka ko ngayon, nangangaluma kasi ako tapos ang gulo ng buhok pero in fairness naman gwapo pa din kahit papaano na siyang bigla kong kinatawa. Grabe nangyari? kapal ko ata ngayon.

Nang nakapagmumog na ako at toothbrush ay naligo na ako ng tuluyan. Kahit papaano ay gumaan yung pakiramdam ko kaya ng nasa hapagkainan na ako ay masigla na ulit kahit papaano.

"Anak, good luck sa pagpasok sa school half day lang kayo di ba?" tanong sa akin ni mama habang nilalagyan niya ng fresh guabano juice yung baso ko.

Ngumiti muna ako sa kanya pasasalamat bago sumagot.

"Opo, kayang kaya yan noh." Mama smiled too at si papa naman ang hinandaan ng mga kakainin.

"Terrence, ingat ka doon at don't forget to drink your meds, a'right?" sabi ni papa.

Tumango sa kanya. After kumain at mainom na yung mga gamot ko ay nagpunta na ako sa school syempre kasabay si Derry. Tahimik kaming naglalakbay sa daan at napapansin kong ang seryoso niya ngayon kaya naisipan kong magkwento.

"Oy, ngayon yung Field study namin kinakabahan nga ako eh. Hindi ko alam kung ano ang maabutan ko doon, sana maging okay ang lahat."may hint ng kaba na kwento ko.

Dahil naka-stop light ay napabaling ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at bigla naman niya ginulo ang buhok ko.

"Dala mo ba yung gamot mo? Huwag mong kakalimutan na inumin iyan ah. Tsaka ikaw pa. Kaya mo yun." sabi niya.

Masaya na akong tumango at saktong nag-go sign na kaya umandar na kami. Pumikit muna ako sandali at siguro dahil medyo malayo yung school namin kaya nakatulog ako saglit. Nag-usap usap kasi kami nila Julian na sabay-sabay na kaming pumunta sabagay magkakasama lang naman kami ng school kaya ayun sa university ako nagpahatid at di sa public elementary school kung saan ako mag-FS or Field Study.

Pagkarating ko ay nandoon na si Mia, siya iyong nauna sa tagpuan namin, medyo namula pa ako ng konti ng maalala ko yung nangyari last week kung saan niliko ko si Sir Raf na siyang asawa pala, na literal ah.

Awkward akong lumapit sa kanya, mukha namang di niya iniinda yung nangyari dahil wagas kung makangiti sa akin ang loka.

"TJ!!!!! Thank you!. HAHAHA" tuwang-tuwa na sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako kasi di ba nga parang mangangain ng tao ang jowa niya kahapon kung makatingin? So bakit siya nagtethank you?

"Oh di ba nagalit si jowaers? Ba't masaya ka pa?" tankang tanong ko.

Ngumiti lang ng nakakaloka si Mia then binulungan ako.

"E kasi super wild, sarap lang shet." nakakadiring sabi niya.

Namula ata pati malunbalunan ko sa narinig ko.

Natulala pa ako kung di lang tumawa bigla ng malakas ang bruha di pa ako matatauhan.

"Yuck! Nakakadiri ito. Eww lang ah." sabi ko naman.

Patuloy lang siya sa pagtawa at panunukso sa akin hanggang sa dumating sina Julian.

"Oi ready na ba kayo? Ako naeexcite na. Fisrt time nating pupunta ng mga school para mag-observe kakaexcite." energetic na sabi ni Kaye.

Napalunok naman si Julian na kinatawa namin. Di naman lingid sa kaalaman namin na hindi talaga niya gusto ang kurso na ito. Pinilit lamang siya ng kanyang tatay upang ito ang i-take up na course. Kaya halata mo na hindi siya komportable.

Tinapik ko sa balikat si Julian at nginitian.

"Everything's gonna be alright, don't worry much papangit ka sige." sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya then tinapik ako sa noo.

"Ang ganda na eh, feel ko na yung concern may papangit pa sa huli. Upakan kaya kita pre." pinalaki pa niya ang boses niya. Tumawa kami sa kanya bago siya siniksik sa isang group hug.

Nakagawian na kasi namin ito, kahit ngayon lang kami naging close e masaya ako na masasabi na maganda ang samahan namin 4 sama mo pa si Derry kahit ibang college siya.

"Hay nako alika na nga, lalo lang ako na kinakabahan eh. Shocks! Nawalala ang alindog ko dahil sa kaba." habang hinihimas himas niya ang kanyang pisngi. Mannerism niya na iyon na pansin ko tuwing sa kinakabahan si Julian una niyang hinahawakan ang pisngi then i-rurub sa mukha. Ang weird pero syempre ganun talaga.

Tumango na kami then sumakay na ng jeep. Ang saya. Alam mo yung feeling na first time mo tapos nahihiya kang ipahalata. HAHAHA kakaexcite baka mapahiya ako nito. Di ko alam ang pamasahe, good thing nag-research ako kung magkano ang minimum fare. 7 pesos. Kahit papaano di ako inosente mode.

"Oy, oy! Ambag-ambag, mama magkano papuntang ****** Elementary School?" sabi ni Kaye kay manong driver. Sinabi naman nung driver yung fare kaya lahat ng bayad ay binigay namin kay Mia, siya treasurer eh. HAHA:P

"Oh, manong po bayad namin apat po yan ah. Wala ng sukli." sabi ni Mia nung nagbayad siya.

Tahimik na ulit kami sa biyahe, ako nag-eenjoy. Grabe ganito pala ang feeling na sumakay ng jeep. Nakakatanga para akong ewan na dungaw na dungaw sa may bintana. Yung hangin sarap sa feeling. Maaga pa kasi kaya di siya yung madumi sa langhapin. Fresh pa naman siya. Saya lang.

"Hoy! Para kang Tungaw dyan, kung makadungaw. Ngayon lang nakalabas ng lungga beh?" asar sa akin ni Kaye.

Napa-blush naman ako.Gusto ko man sabihin na "parang ganun na nga" kaso nakakahiya.

At dahil doon ay napatingin sa akin yung dalawa.

"Terrence? Sabihin mo nga sa amin. Ngayon ka lang ba nakapag-jeep?" curious na tanong ni Mia.

Nanlaki yung mata ko doon at lalong namula. Feel ko naman kasi ang init sa pakiramdam nung pisngi ko. Di ako makahindi o oo. Nakakahiya na ewan.

Good thing konti lang nakasakay din sa jeep at may kanya kanya ding ginagawa.

"Hi-hindi noh. Naku, tigilan niyo ko. Malapit na ba tayo?" pagtanggi ko at pag-iwas sa pinag-uusapan namin. Nakakaloka talaga yung mga ito.

They looked at me knowingly and smirk.

"Okay, ahm. Malapit na tayo konti na lang. Oh ayan na pala eh. Ma, para po." sabi ni Kaye. Isa isa kaming bumababa at tinitigan yung papasukan naming school. Shet! Parang kinabahan na din ata ako ah. My Gosh! Napahawak ako sa puso ko at napapikit.

Kaya ko ito. I can handle this. I just need to inhale, exhale, inhale, exhale.

Then binuksan ko na ulit ang mata ko the smiled to them.

"So? Let's go?" tanong ko.

---------------------

Part 1 finish may continuation pa ito.

Enjoy po. Sana may magbasa pa din. Tagal na din.:)

In My Dying DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon