Dedicated to you. Thank you for reading:)
Enjoy sa lahat.
Maraming salamat sa inyo guys.
Chapter 16
Tama ang hinala ko nasa park nga ang kulokoy. Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"Julian." pagtawag ko ng pansin niya.
Hindi siya lumingon pero mukhang di naman siya nagulat sa presensiya ko.
Umupo ako sa tabi niya at tahimik na nakiramdam. Takot din ako syempre, alam kong nasaktan ko siya. Ang adik ko din naman kasi, nakalimutan ko yung sitwasyon. Hindi ko tuloy alam kung paano ko pakikitunguhan ang mga nangyari ngayon.
Shet, alam ko namang maganda ako pero hindi ko alam na ganito ka-extent iyon. (Ang kapal lang ng mukha ng bata oh).
Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.
"Pasensiya na kung nag-overreact ako. Di ko lang talaga napigilan ang sarili ko noong nakita ko kayong dalawa. Masakit pala iyong ganoon. Iyong makita ng dalawang mata mo na kasama ng mahal mo ang taong mahal niya. Pasensiya na talaga." mahinang sabi niya pero narinig ko. Nasasaktan din ako kasi nasasaktan ko siya kaso hindi ko naman alam ang gagawin ko. Paano ko ba malelessen iyong sakit na nararamdaman niya?
"Sorry din. Sorry kong naging insensitive ako. Sorry kasi nakalimutan ko na, na gusto mo ako." nakayuko kong usal. Guilty naman ako eh. Nakalimutan ko talaga na may pwedeng masaktan ko. Kaso di ko naman akalain na ganito kaaga. Wala pa ngang meaning iyong sa amin ni Sir kasi hanggang ngayon, crush ko lang siya. Ako lang ang may gusto sa kanya.
Pareha lang kami ng sitwasyon ni Julian, ang kinaibahan lang may mga ginagawa si Sir na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung gusto ba niya ako o hindi, o baka naman pinagtritripan lang.
Matagal na katahimikan ang lumukob sa amin pagkatapos kong magsalita.
"Gusto ka niya TJ. May gusto sayo si Sir Cloud." seryosong sabi ni Julian.
Napatingin ako bigla sa kanya.
"Paano mo naman nasabi iyon?" tanong ko.
Nilingon din niya ako.
"Alam ko lang. Huwag kang mag-alala mahal ka din niya." sabi ni Julian.
Nagtaka naman ako, paano mangyayari iyon eh wala naman ako napapansin.
"Imposible iyon. Hi-hindi ko naman napapansin eh." pangangatwiran ko ulit.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
Si Sir Cloud, may- may gusto sa akin?
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...