HAHAHA:) Salamat sa pagbabasa:)
Chapter 21
Continuation...
"Mama, Papa."
Iyan ang tanging nasabi ko bago lumayo kay Sir Cloud at umupo ng maayos.
Si Sir Cloud naman ay agad napatayo at lumapit kay Mama and Papa. Pinulot muna niya ang bag na nahulog bago tumikhim.
"Good Evening Sir, Ma'am." magalang niyang bati.
Nakipagkamay siya kay mama then kay papa, kaso hindi naman inabot. Kinabahan ako bigla. Mula kasi ng pumasok sila wala ng imik si papa, si mama kasi kahit nalaglag niya iyong bag na dala niya at least may emosyon ka naman na makikita which is suprise pero hindi dissapointment. Pero kay papa, wala as in emotion-NADA. Nakatingin lang siya sa akin. Napayuko ako. Ito na ata talaga ang time to be honest. Ngayon na ang pinakakinakatakutan kong oras.
Binababa na lang ni Cloud ang kanyang kamay at ngumiti.
Alam kong kinabahan din siya, halata naman eh. Naging uneasy siya after inignore ni papa iyong kamay niya kanina.
Lumapit si mama sa akin at umupo sa tabi ko. Si papa sumandal sa malapit sa may pintuan, tahimik pa din.
"Anak, who is he?" tanong ni mama.
Hindi ako makasagot kaya si Sir Cloud na lang ang binalingan niya. Naging seryoso ang mukha nito.
"Who are you? Bakit mo yakap ang anak ko?" tanong ni mama.
Napatikhim si Sir, mukha ding nagulat sa pag-iiba ng mood ni mama.
"Ma'am I'm your son's boyfriend." sabi niya.
Napatingin naman ako kaagad kay Cloud. Grabe itong lalaki na ito wala talagang pasakalye kung magsalita. Nakakatouch na hindi niya ako kinakahiya kaso natatakot ako sa magiging reaksyon ng magulang ko.
Napatitig naman si mama sa kanya, amusement is writing all over her face.
"Boyfriend? Parang ang mature mo naman ata to be my son's boyfriend?" tanong naman ni mama
Kinabahan ako lalo.
Ngumiti muna si Sir kay mama at kay papa kahit di naman siya tinatapunan ng tingin nito. Grabe talaga ang fighting spirit ng isang ito. Sinusungitan na siya ni papa todo ngiti pa din siya.
"Ah yes ma'am mas matanda po ako kay Terrence pero totoong mahal ko ang anak niyo. To be honest po ako ay isa sa mga teacher ni Terrence sa isang subject niya ngayong sem, pinigilan ko naman po iyong sarili ko eh. Pinilit ko pong isipin na dapat estudyante lang ang maging tingin ko sa kanya kaso habang tumatagal ay lalo ko siyang nakikilala nag-iba po ang lahat. Nag-iba po pati plano ko. Minahal ko po ang anak niyo hindi dahil sa gandang lalaki niya pero sa mas magandang puso na mayroon siya. Nakita ko po kung paano niya matiyagang turuan ang mga bata tuwing nadadaan ako sa school na pinag-oojthan niya. Nakita ko po kung paano niya pakisamahan ang anak ko. Oo may anak din po ako pero inadopt po namin ng namatay kong asawa." sabi niya.

BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...