Dedicated to you.:) Thanks for following:) God Bless
Chapter 13
Masaya ang nagdaang weekends ko dahil na rin sa pagsama-sama sa akin ni Derry at ang biglaang pagiging close namin ng aking ultimate crush. Syempre kilala niyo na iyon. HAHAHAHA
Buong Sunday nasa bahay lang nila ako. Level up na talaga dahil alam ko na kung saan sila nakatira. Malapit lang pala sa amin. Ang saya nga e kasi asikasong-asikaso ako ni sir, ayii! Kinikilig ako, haha pero syempre nag-aassume lang ako na ako ang pinakainaasikaso niya, syempre iyong anak niya ang inaalagaan niya. Hindi naman masamang mangarap di ba? Minsan lang naman eh.
Speaking of anak ng ultimate crush ko ay nasa school ako nila ulit, the usual ako ulit si Sir Terrence, the student teacher. Katuturo ko palang ng lesson sa kanila about Nouns over Pronoun. Iyong pagkakaiba noong dalawa syempre na ang Nouns is anything that occupy space and has mass, di joke lang yan. HAHAHA Matter iyan. Basta, tapos yung pronoun anything that represent nouns for example. He, is a representation of a boy; she, a girl and so on. Nag-aactivity na sila ngayon dahil wala iyong teacher nila ako muna ang bantay. Nagbabasa ako ng lecture ko dahil may quiz sa assessment 2 ng biglang may tumawag sa pansin ko.
"Sir, sir." tawag sa akin ni Luigi isa sa mga estudyante ko.
Timingin ako sa direksyon niya at tumango.
"Oh bakit Igi?" tanong ko. Palaway basis kasi dito sa class nila madalas puro palaway ng mga bata ang tawag ng mga classmate nila at teachers.
May tinuro siya sa akin sa kaliwa. Tinignan ko naman at nagtaka bigla. Si LJ kasi ayun, tulog na sa upuan niya. Napailing na lang ako ng ulo at pinaupo na si Igi. Lumapit na naman ako sa pwesto niya at kinalabit siya.
"Hoy, gising!" sabi ko.
Napabalikwas naman siya ng bangon.
"Ay masarap na carrots!" bigla niyang usal.
Nagsitawanan ang lahat at napangiti naman ako.
Nag-yawn pa siya, loko talaga itong bata na ito minsan.
"Hmm, LJ. Maganda pa naging tulog natin?" pinaseryoso kong tanong.
Napakamot na lang siya ng ulo.
"Sorry po Ti-ah Sir po pala. Inantok po kasi ako bigla pero po tapos ko na iyong pinagagawa niyo. Promise!" sabi pa niya.
Napailing na lang ako sa batang ito. Pinakita nga niya sa aking ang kanyang gawa. Napangiti naman ako.
"Hmm, okay, pero sa susunod ah." paalala ko.
Tumango naman siya. Ilang minuto lang ay tumunog na ang bell. Pinapasa ko na yung pinagawa ko sa kanila at hinayaan na silang mag-recess. Naiwan naman ako sa loob at inayos ang mga papel papel sa desk ni mam. Pumasok sa room si Julian at inabutan ako ng tinapay at juice. Ngumiti ako bilang ganti.
"Oh? Napadaan ka ata?" tanong ko habang sumisipsip ng Zesto. Ngumiti lang si Julian at kumain na din. Tahimik lang kaming kumakain ng bigla din dumating sina Mia at Kaye. May mapanuksong ngiti sa kanilang mga labi. Napailing na lang ako.
"Oy, kailangan nagsosolo lang kayo?" tukso ni Mia.
Nagtaas baba namana ng kilay ni Kaye.
"Oo nga hindi man lang nag-aya oh, date ba iyan?" sabi pa ni Mia.
Napakamot lang si Julian at napangiti.
"Loka, nadaan lang ako dito. Wala kaya akong kasama doon sa room eh si TJ lang ang may pinakamalapit na room sa akin." paliwanag naman niya.
"Huh! Wari pa oh." sabi ni Kaye.
"Kaye, Mia. Kumakain lang kami. Diyos mio naman ang utak 'syadong wide." sabi ko naman.
Ngumiti lang ng may halong pang-iinis sina Mia at Kaye.
"Oh siya, iyan ang sabi mo. Kumain na nga tayo." sabi nilang pareho.
Napatingin naman ako sa labas ng nagpatuloy na kaming kumain. Ang ganda talaga ng araw ngayon. Hindi mainit, pero may araw at mahangin pa. Napangiti ako.
Maganda ang araw na ito para sa plano ko ngayong araw. Sana magawa ko naman siya.
"Terrence, oy kumain ka na matatapos na ang recess."
Tumango na lang ako at kumagat na ulit doon sa tinapay na bigay ni Julian.
----------------------------------------
Enjoy! Short update:)
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
Storie d'amoreIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...