Dedicated to you. Thank you.
Post-birthday present to you guys! Thanks for all your support I'm super grateful that I have such wonderful readers. Thank you very much. I hope you would enjoy this.
Just finish reading The Fault in our Stars, one of a kind book! One of the best though I still don't have idea why it was entitled that way but overall I love it, to the max. I love Gus. I love Von Hoeten even his pscho and I super like Issac, that blind super cute man. HAHA:)
Enjoy guys! Hope you like this chap.
P.S.
Side effect ng sumisipang kabayo ang kaka-english ko. I just can't help it. One of the thing about uleeng when I'm tipsy. :P
Chapter 22
"Hay." buntong hininga ni Terrence habang nakahinga.
"Oy bakla, makabuntong-hininga ka naman. Malas iyan sa negosyo." sabi ni Kaye sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Negosyo? Eh di naman tayo nagnenegosyo ah. Nakatambay nga lang tayo dito sa bahay mo eh. Pinagsasabi nito." sabi ko sa kanya.
Tinawanan lang ako ng loka.
"Eh gusto ko eh, walang basagan ng trip." sabi naman niya.
Napasimangot naman na lang ako. Tawa lang ang ginawa ng dalawa pa naming kasama, syempre sino pa ba?
"Mga adik talaga itong dalawa na ito, ang saya talaga na nakilala ko kayo." natatawang sabi pa ni Mia.
"Huu! Maiyak ka pa, sa dami ng loombands mo di ka nagmukhang seryoso." asar ni Julian. Kami naman ni Kaye ang natawa.
"Inggit ka lang, madami kasing nagbibigay sa akin. Sayo wala." parang batang sabi ni Mia.
"Heh! Basta nagmukha kang jejemon dahil dyan." pang-iinis pa niya.
Napasimangot naman si Mia. Naadik kasi ang loka sa nauusong accesories sa ngayon. Iyong rainbow loombands. Enjoy gumawa noon pero di naman ako mahilig at wala din akong tiyaga.
"Tinatawa-tawa niyo dyan. Eh kayo nga nagbebenta." sabi ni Mia. Natawa lang ako lalo. Inis talo talaga ito.
"Naku, tama na nga iyan. Oh ano gagawin natin ngayon? May 1 month pa tayong break bago ang 2nd sem so saan ang gala?" tanong ni Mia. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. Super mahal ko talaga ang mga kaibigan ko na ito. Sila na ata ang pinakabest of best of best friends na nakilala ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari if that time comes, my end journey parang di ko pa sila kayang iwan.
"Sus eh di mag-enjoy!" energetic kong suggest sa kanila. Napatingin naman ang tatlo.
"TJ? Di ka naman excited noh?" sabi ni Julian.
Natawa lang ako at nag-grin.

BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...