Chapter 26

1K 24 9
                                    

Chapter 26

"Hoy, ngumiti ka naman dyan oh. Ang pangit mo na." pagbibiro sa akin ni Derry.

Palibhasa siya dahilan kung bakit ako nakasimangot. Ang daldal kasi, sana nag-isip na lang siya ng idadahilan. Hay, ayan tuloy.

"Naku, hayaan mo muna iyan.Palibhasa di pa din kasi pinapansin ni Sir Cloud kaya emo mode siya." sabi ni Mia

Tinignan ko nga ng masama si Mia. Pang-inis talaga minsan ito.

Nilapitan naman ako ni Julian at inakbayan.

"Ngiti na bestie. Papansinin ka din nun. Ikaw naman nagjelly lang siya ng slight." pag-aalo sa akin niya.

Buti pa si Julian, di ako inaasar.

Napayuko ako at lumingon kay Julian.

"Julian? Paano ba gagawin ko?" nagsusumamo kong tanong.

Mula pa kasi kanina ay di na ako pinapansin ni Cloud nandito nga siya kasama namin ayun naman siya sa may kwarto at tutok na tutok sa laptop niya. Immature man tignan pero nagseselos na din ako sa laptop niya. AHHHHHH!!!! Nakakadown.

Naramdaman kong may gumulo ng ulo ko. Si Derry lang pala, ngumiti siya sa akin at nagsalita.

"Sorry na. Natuwa kasi ako sayo kanina eh. Huwag ka ng sumimangot dyan. Gusto mo kausapin ko siya." pang-aamo na sa akin ni Derry.

Medyo naluluha na ako. First time kasi namin mag-away since naging kami at hindi ko alam kung paano ko papatunguhan ang ganoong sitwasyon.

Napalean tuloy ako kay Derry kasi nasa harapan ko siya at napaiyak.

Nakakainis kasi, hindi ko naman alam na may ganoon pala minsan. Gusto ko ng magbati kami ni Cloud.

Hinagud-hagod niya ang likod ko.

Nagsilapitan din iyong dalawang babae at inalo-alo ako.

Pinunasan ko muna ang mata ko bago tumingala sa kanila. Kanina pa nga pala kami nandito sa may kubo at nagpapahangin. Tinatamad pa kasi silang magtampisaw sa dagat. Ako naman wala sa mood dahil nga nagtatampo pa sa akin ang bebe ko.

"Huwag ka ng mag-emo dyan. Alika, ligo na lang tayo. Ngiti na baby TJ." pagcooed naman sa akin ni Kaye.

Imbes na ngumiti ay malungkot lang akong tumango. Yumuko si Mia sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Akala ko ay pipisilin niya ang ito pero, gamit ang dalawang hintuturong daliri ay kinorte niyang nakasmile ang pisngi ko. Kahit medyo nalulungkot ay naging okay na ako.

Nung tiningal niya ang daliri niya ay tinayo niya ako.

In My Dying DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon