New chapter:) Magsosorry na ko kung medyo mas babagal ang updates pero don't worry basta free I'll be updating.:)
Chapter 18
Nasa isang mahabang hallway ako. Madami akong nasasalubong. Nagtataka na nga ako walang pumapansin sa akin. Lahat sila isa lang ang tingin at tanging ako lang ang naglalakad na kaiba sa kanila. Maliwanag, maputi iyan ang mga nadadaanan ko. Puro nakaputi din ang mga nakakasalubong ko. Konti lang ang naiba pero nontheless puro puting damit ang suot nila. Nakahospital gown ako. Nakakabagabag nga kasi feeling ko ang light light ng pakiramdam. Alam mo iyong parang wala akong sakit, kahit ang layo na ng nalakad ko hindi pa din ako napapagod.
May biglang humarang sa akin.
"Anong ginagawa po dito?" tanong ng taong nakasalubong ko. May taglay siyang magandang boses, iyong tipong nakakahalina pakingggan.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung bakit pero nanatiling nakatikom ang aking bibig.
"Hindi ka para dito, madami ka pang dapat gawin. Kailangan mo ng bumalik. Pakingggan mo ang tawag nila. Pumikit ka. Pakinggan mong mabuti ang pagsusumamo ng mga importanteng tao sayo na bumalik ka na. Hindi mo pa panahon, " sabi ng nakasalubong kong tanging kumausap sa akin.
Ginawa ko ang sinabi niya, pumikit ako at nagconcentrate na makinig.
"Anak, anak. Huwag muna ngayon please. Mahal na mahal kita, anak." naririnig niyang pagsusumamo ng isang ginang.
"Shet! Anong nangyayari sa kanya? Bakit biglang nag-flat line." natatarantang sigaw ng isang binata na tila pamilyar sa kanya ang boses.
"TJ! TJ! Bakit di mo sinabi? Bakit? Huwag ka munang mawala. Gumising ka! Huminga ka! Ang tanga tanga mo! Bakit mo nakalimutang huminga!" halos histerya na ring sigaw ng isang dalaga na alam niyang malapit sa kanya.
Dinilat niya ang kanyang mata.
Pinat siya sa may bandang puso ng taong kasama niya.
"Hinihintay ka na nila. Huminga ka. Idilat ang mata. Mag-ingat ka paggising mo. Hindi mo pa oras." sabi nito.
Bago siya magising ay narinig pa niya ang huling sinabi nito.
"Sa ngayon."
Idinilat niya ang kanyang mga mata. Nakakasilaw, nahihirapan din siyang imulat ng maayos ang kanyang mata dahil sa liwanag at parang ang tagal niyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...