Dedicated kay JANINE. Oh ayan oh dedicated na sayo, haha salamat sa pagbabasa:) Love you baby sis.
Chapter 4
Kasama ko si Kaye ngayon, nasa labas kami ng campus para mag-lunch. Masaya palang kasama siya, di maubusan ng kwento, napakadaldal in short. Daming tsismis, pati yung mga kwento sa batch namin alam. Miss Congeniality ata ito eh, pero okay lang kasi natutuwa ako sa kanya.
"TJ! Mcdo na lang tayo." aya niya sa akin.
Nag-alinlangan ako kasi bawal sa akin yung mga ganung pagkain kaso natakam ako nung nasa malapit na kami. Wow, nakakamiss yung chicken fillet, french fries, burger, coke float at sundae. Shocks feeling ko naglalaway na ko napapaisip palang ako sa mga pwedeng kainin doon.
"Hoy! Nangyari sayo para kang baliw dyan, napapangiti mag-isa. Hala!" sabi niya.
Inakbayan ko lang siya at nginitian.
"Pasensiya na taong bundok eh, HAHA wait lang ah tatawagan ko lang yung kaibigan ko. I'll just asked something." sabi ko naman habang inaakay siya papasok ng Mcdo.
Pagpasok pa lang doon ay amoy na amoy ko na yung amoy Mcdo na atmosphere. Na-eexcite ako sa totoo lang, kaya sinabi ko na kay Kaye kung ano yung order ko. Nag-volunteer kasi siya na daw yung oorder. Binigay ko yung share ko sa kanya tapos naghanap na ko ng pwesto.Doon sa may glass window kami na pang-apatan na mesa. After I have settle down on my sit and saved the chairs ay kinuha ko na yung phone ko and then dialed Derry's number.
He answered afer the second ring.
"Hello?" I said.
"Oh, TJ. Kamusta ang first class, wala bang nangyaring kakaiba?" he asked.
Napangiti na lang ako. Napaka-worrier talaga ng taong ito. Kaya siya ang the best sa lahat ng mga nag-oojt na nakilala ko. He just not tend to the patients needs but he truly care for us, masyado lang talaga siyang maalalahanin pero hindi naman siya bad thing. Sa totoo nga plus pogi points yun eh. If I like him as in like like I will be head over heels for him.
"Well meron ahm-" pa-uumpisa ko na agad naman niyang sinabatan.
"Anong meron? Okay ka lang ba? Sumakit ba yung puso mo?
Nakakahinga ka pa ba ng maayos? Nasaan ka na? Sabihin mo sa akin okay, I'll be right there." halos hindi na humihingang sabi niya.
Natawa naman ako dahil sa kanya.
"Hoy! Hinga, baka ikaw ang magka-heart attack sa atin eh. Breath Ders, breath. After I count one to three you will relax. One, two, three." kalmadong sabi ko.
Nakarinig nga ako ng isang medyo malalim na buntong hininga. Napangiti ako. Hay nako, Derrick Mendoza. My friend na mas malala pang mag-alala sa mga kamag-anak ko. Kaya super love ko itong tao na ito eh.
"Oh ano okay ka na? Relax na po kayo?" malambing kong sabi.
"Yea, thanks. Pasensiya na hindi ko lang talaga mapigilang mag-alala alam mo naman na sa lahat ng naging pasyente ko sayo ako pinakaclose. I can't help it." may bahid pa ding pag-aalala niya.
"Derry I told you I'll be okay. Don't worry, ahm by the way. I'm here at Mcdo. Ahm, can I eat one piece fried chicken then a sundae. I will not drink soda, promise. I have my jug just please let me eat this." I said, naka-pout pa ako kahit hindi niya nakikita.
"TJ. You know na it have so much preservatives kaya it's not heathy for your heart tapos tatanungin mo ko kung pwede ka niyan kumain? Ano yun joke?" sarcastic na sabi niya. Napapout pa akong lalo.
"Minsan lang naman eh, pretty please naman oh. I'm really craving for a fried chicken ang tagal ko na ding hindi nakakain ng ganoon. Please pagbigyan mo na ako." pagmamakaawa ko.
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...