HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Feeling ko magiging bruha ako tom. dahil naiinis na ko. HAHAHA Ang bad ko, shoot!
Chapter 20
(Before the kilig moments)
Ninanamnam ko pa ang yakap ni Sir Cloud ng biglang bumukas ang pinto. Hindi kaagad ako nakaalis sa pagkakayakap kay Sir Cloud dahil super higpit ng yakap niya.
"OMG!!!!!" rinig kong tili ng kung sino pero syempre kilalang-kilala ko.
Sinilip ko naman iyon kung sino sa dalawa kong kaibigan na babae.
"TJ! Sir Cloud!" si Kaye.
Si Julian, tahimik lang pero nakangiti.
Humiwalay ako ng konti kay Sir, umupo naman siya but grinning cheekily.
"Hi guys!" pagbati niya na parang walang nakita ang tatlong baliw.
Nag-unahang lumapit ang dalawang dalaginding samantalang tahimik na nakamasid si Julian.
"What is the meaning of this?!" sabay alog sa akin ni Mia.
Natawa naman ako kahit nahihilo na kakaalog niya.
"Eh di this." at pinagintertwine ko ang kamay namin ni Sir. Nanlalaki naman ang mata ng dalawa parang ngayon lang nakakita ng magkaholding hands.
"OMG!!!! Ang pinakahot na prof natin. Napikot mo! Gosh! Buntis ka ba girl?" nababaliw na sabi ni Kaye sa akin then lumingon siya kay Sir. "Sir, boy or girl?" tanong naman niya dito.
Tawa lang ng tawa si Sir Cloud at sinabayan ba ang kagagahan ni Kaye.
"Di ko nga alam eh. Hinihintay pa namin ang result ng PT na kinuha ng nurse." loko din banat ni Sir.
Pulang-pula na ata ako dahil sa dalawang ito. Di na din napigilan ni Julian na makisali.
"Naku, Sir. Ninang dapat kaming tatlo. Walang kalimutan." sabi niya. Ang mga adik, kala mo wala ako eh.
"Sure." sabi pa ni Sir.
Ang bruhang Mia naman ay ayun, kulang na lang gumulong sa kaligayahan. Masyadong hyper di na naman siguro nakainom ng gamot.
Sakto biglang pumasok ang nurse. Agad siyang nilapitan ng tatlo. My God, ang lakas talaga ng trip ng tatlong bruha.
"Kuya nurse, dala mo na ang result?" tanong ni Kaye.
Nakangisi namang inakbayan ni Julian iyong nurse. Gwapo eh.
"Ah, nurse. Positive o negative ba para maligawan na kitang maging ninong." makulit na sambit niya.
Nakita ko naman na naging uneasy iyong nurse.
"Ah, ano po iyong sinasabi niyo?"
"Wala sige. Puntahan mo na pasyente mo baka ikaw naman ang atakihin dito. Sayang kagwapuhan mo kung sakali." sabi ni Mia.
Namula naman si kuya. Napa-grin na lang ako. Ang adik talaga ng mga ito. Puno ng kalokohan.
After magawa ang lahat ng procedures na ginagawa nila to check every patients vitals ay nagmamadaling umalis ng room. Tawanan naman ang mga loko. Hay nako baka magkaphobia iyong tao na pumunta sa room ko. Ang adik naman kasi ng mga baliw eh.
"Lakas talaga ng trip niyo." pagsaway ko sa kanila.
They just grinned at me. Napasmile na lang din ako. Maya-maya pa ay isa isa na silang lumapit sa akin to hug me. Lumayo pa nga ng slight si Sir Cloud dahil mukhang magmomoment iyong tatlo sa akin. Nihug ko naman sila ng mahigpit.
"Baliw ka bakla, akala namin kung ano ng nangyari sayo. Natakot kami ng bongga." humihikbing sabi ni Mia. Hinahod ko naman ang likod nito.
"Sorry guys kung naglihim ako. Gusto ko lang talaga that time to have a normal life kaya wala akong pinagsabihan na kahit sino maliban na lang kay Derry. Siya kasi ang personal nurse ko noon. Sorry talaga." sabi ko.
Nagsitanguan naman sila.
"Oh tama na ang drama na natin. Di ako sanay mga bakla." pag-alo sa kanila.
Humiwalay naman sila sa akin.
Lumapit sila kay Sir Cloud at tinitigan ng mataman.
"Sir, huwag mong sasaktan si Tee kasi makakalaban mo ko." sabi ni Mia. Wala talagang takot ito kung minsan.
Ngumiti naman si Sir then said,
"Oo, hangga't maaari di ko siya sasaktan ng sinasadya ko. Pero sisiguraduhin kong isa siya sa pinakamahahalaga sa buhay ko." sabi nito.
Napangiti naman ako, I understand why I'm just one of his priority of course he has a son, and a very cute one. Then syempre di ko makakalimutan na once meron siyang minahal and that was Josh, pero was na nga eh kaya tiwala ako sa pagmamahalan namin.
Si Kaye naman ang nagsalita.
"Sir Cloud, oo iyong sinabi ni Mia. We don't care if you're our teacher. Sa love kasi all is fair kaya once na sinaktan mo siya lagot ka sa amin."
Tumango naman si Sir.
Pinat ni Julian ang balikat ni Sir.
"Wala akong pakialam kung anong klaseng tao ka pa. Teacher, mayamang business man na lumayo para makalimot o ano pa man. Once na sinakatan mo si Terrence. Aagawin ko siya sayo." seryosong-seryoso na sabi nito. Tinitigan naman ni Sir si Julian.
Alam mo iyong feeling para silang nagsusukatan ng tapang sa pamamagitan ng tingin.
Nakipagshake hands si Cloud at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Julian.
"Hindi ko mo na kailangan sabihin iyan. Mahal ko si Terrence, makakaasa ka na aalagaan ko siya." sabi ni Sir na seryosong seryoso.
Na-touch naman ako, doon kaya niyakap ko siya agad pagkatapos nilang maghand shake.
Ilang oras pang kwentuhan ay umuwi na sila.
Ang saya lang, ang swerte ko sa mga kaibigan.
"Ang swerte mo sa mga kaibigan mo." sambit ni Sir habang nakayakap sa likod ko. Nasandal kasi ako sa kanya ngayon eh.
"Syempre naman." sabi ko.
Hindi ko pansin na may hahalikan na niya ako ng mapansin kong isang millimeters ang agwat ng labi niya.
"I love you." sabi niya.
Ngumiti naman ako.
"I love you too."
Kung kailan naglapat na ang labi namin bigla na namang bumukas ng pinto.
May nahulog agad ang gamit ng kung sinong nakakita sa amin.
"Terrence." sabi nito.
Napatingin naman ako sa kanya. Kinabahan ako ng sobra.
"Mama, Papa."
--------------------
Salamat! HAHHAHAHA ENjoy!
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
Storie d'amoreIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...