Dedicated sayo! Salamat na marami po
Chapter 15
After noong awkward encounter ko with Julian ay dumeretso na ko sa totoo ko talagang lakad after ng klase. Ang pagpunta sa ospital. Wala namang masama about my health at lalong hindi ko namimiss mag-stay sa ospital.
May promise lang talaga akong gustong tuparin.
"Oh, Terrence nadalaw ka?" nakangiting bati sa akin ng head nurse na si ate Rima. Nginitian ko naman siyang pabalik at sumabay sa paglalakad niya.
"Ah, oo nga po. May pangako po kasi ako sa mga bata. Kaya ayun kahit busy sa OJT punta pa rin ako." sabi ko naman.
She smiled at me and said,
"Hmm, sige punta ka na lang sa ward."
Before she let me go ay pinat niya nag balikat ko.
"I'm proud of you Terry, huwag mo lang pabayaan ang sarili mo. Okay?"
Nakakaintinding tumango ako at matamis na ngumiti.
"Salamat po ate Rima, tatandaan ko iyan." sabi ko bago tuluyang pumunta sa children's ward ng mga heart patient dito sa ospital.
Pagdaan ko pa lang sa hallway kung saan nandoon ang ward ay matatamis na ngiti na kaagad ang sumalubong sa akin, di lang mula sa mga doctors and nurses, pati na rin sa mga magulang na nagbabantay ng mga kamag-anak na nakakakilala sa akin.
"Terrence, oy kamusta? Nadalaw ka ata dito." usal ng isa sa mga magulang na nadaanan ko.
Nakangiti ko naman siyang sinagot.
"Naku, tita. May promise kasi ako doon sa mga bata. Alam mo naman di ba, lagi ko naman itong ginagawa medyo naging malimit lang dahil nag-aaral na ulit ako." paliwanag ko naman.
Masayang ngumiti ang ginang.
"Magiging masaya ang anak ko nito. Namimiss ka na din ng mga bata eh. Buti naman nakabalik ka na sa pag-aaral. Kamusta naman?"
"Okay naman po, sobrang saya." sabi ko.
Magaan pa din kaming nagkwekwentuhan ng nakarating na kami sa Children's Ward.
Masasayang bati ang sumalubong sa aking sa loob.
"Kamusta mga bata?!" masiglang bati ko.
Dala-dala ang mga dextrose ay nagsilibutan sa kanya iyong ilang bata at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomansaIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...