Dedicated to you:)
Happy Reading!♥♥
Chapter 17
Naging masaya ang movie date namin pwera na lang daw sa exagge kong mga reaksyon.
Sus, buti nga di ako inatake sa puso e. Sobrang nakakatense iyong palabas na iyon. Grabe. Papatayin ata ako ng mga kaibigan ko.
Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan nakakalat dito sa room. Maaga kasi akong nakapasok ngayon. Philosophy namin ngayon at parang wala ako sa mood na maging mabuting estudyante. Tinatamad kasi ako. Inaantok pa. Naging busy kasi ako kagabi dahil binigyan ako ng task ng coop teacher ko na gumawa ng lesson plans starting this week. Napuyat talaga ako kakasulat at kakaisip. Yumukyok muna ako ng saglit.
Maaabot ko na sana ang dreamland ng bigla akong kalabitin ng kung sino.
"TJ, TJ. Anong ginagawa mo dito?" narinig kong tanong sa akin.
Napamulat ako ng mata at napatingala.
Napanganga pa pala.
"Sir Cloud?" tanong ko din sa kanya.
Tumango lang siya at bumalik na ulit sa mesang nasa harapan.
"Oo ako nga, anong ginagawa mo dito? May klase ka ba?" tanong niya.
Napatango naman ako.
"Opo may klase po kami sa Philo, Sir? Bakit po kayo nandito?" tanong ko ulit.
May pagtatakang bumalot sa mukha niya.
"Ha? May klase din ako dito eh." sabi nito.
Nagtaka naman ako.
"Ha? Dito sir?"
"Oo dito iyong klase ko." sabi ni Sir.
"Eh paanong nangyari iyong eh klase namin dito sa room na ito." sabi ko ulit.
Kunot ang noo niyang tinignan ang schedule niya.
"Room 406 ito ah. Tama naman ang napasukan ko." pangangatwiran ni Sir Cloud.
"Room 406? Sir room 409 ito." sabi ko.
"Hah? Di nga." pangangatwiran ulit niya.
"Oo kaya Sir Cloud." sabi ko.
Tumayo si Sir Cloud at pumunta sa pintuan then tumingala.
![](https://img.wattpad.com/cover/10619418-288-k809490.jpg)
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomantizmIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...