Happy Birthday sa kapatid ko kahit di siya nag-wawattpad. Happy B-day Japs!
And dedicated sa kanya:) Thank you for following.
Chapter 24
"Hello beach!!!!!!!!!!! I'm TJ, at your sandy beauty!!" malakas na sigaw ko.
Nakita kong pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala lang sa akin iyon. Sina Julian, Kaye, Mia, Derry at Sir Cloud naman mga napailing na lang at napakamot ng ulo.
"Tee ano ba?! Nakakahiya ito." saway sa aking ni Mia.
Natawa lang ako at hinila na siya.
"Halika Mia! Gusto ko ng mag-swimming." parang bata na aya ko.
Di pa man ako nakakaabante ay agad humarang si Derry.
"Opps, opps. Mamaya na iyan. Magpahinga muna tayo at kakain. 3 days naman tayo dito eh kaya ma-eenjoy natin ang dagat kaya, TJ. Sa kwarto, Sir Cloud dalhin niyo na iyang budwit natin at baka magliwaliw pa." sabi ni Derry.
Napasimangot na lang ako. Inakbayan na ako ni Sir Cloud. Nakangisi pa ang loko habang inaakay ako papunta sa cottage o bahay na inarkela namin habang nandito sa beach.
Pagpasok sa bahay ay namangha ako. Hindi ito kalakihan pero maluwang at malinis. Agad akong umupo sa kahoy na sofa at binayaan silang lahat sa mga ginagawa nila pati kasi si Sir Cloud iniwan na ako after namin pumasok. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-selfie pose na overlooking ang dagat. Buti na lang dala ni Cloud yung pocket wifi niya kaya ayun, todo net ako. Swerte pa't malakas ang signal kaya, yehey lang ang life.
Picture lang ako ng picture, ang sama ko nga di ko sila natutulungan pero kasi natutuwa ako sa view. Pinipicturan ko din sila. Si Julian na nagluluto, si Kaye na naghihiwa ng mga gulay tapos si Mia na tulala din.
"Di ka marunong magluto?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ko din ang mala-chef Logro na pagluluto ni Julian. Nasa labas si Derry at Cloud para sa arrangements sa stay namin doon. Wala pang pumupunta ng kwarto para mag-ayos ng gamit dahil di pa napagdidisisyunan kung sino ang magkakasama sa kwarto. Tumango naman si Mia at nangalumbaba.
"Ikaw din?" tanong niya.
Umiling muna ako at pinicturan siya. Nag-pose naman si loka na nakaduck face na siyang kinatawa ko bigla bago sumagot.
"Marunong naman kaso di ako kasing expert ni chef Julian. Hoy, Juls para kang ewan dyan ginagaya mo pa si Chef Logro." natatawang baling ko sa kanya.
He smiled sheepishly sa akin.
"Ping, ping, ping!!!!" sigaw niya habang naglalagay ng gulay doon sa niluluto niyang nilaga.
Tawa na lang kami ng tawa habang pinapanood siya. Harutan to the max lang kaming apat ng pumasok si Derry sa kusina.
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...