Dedicated to all!!!!!!
Uleeng's Rant
Hahaha rant talaga eh. Pero seryoso gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bumasa ng kwentong ito. Sobrang thankful ako sa pag-appreciate sa In My Dying Days. Hindi ko ini-expect na tatanggapin niyo ito ng super duper kasi ng ginawa ko ito ang nasa isip ko, paano kaya gumawa ng story na ganito? Iyong mamamatay iyong bida na character, iyong gusto niyang maramdaman na normal siya kahit di naman talaga magiging normal ang buhay niya kasi kahit anong gawin niya sa huli kukunin pa din siya ng mas maaaga ni Lord kasi nga may sakit siya. Iyon lang talaga ang nasa isip ko noong inumpisahan ko ito. Di ko iniexpect na may magkakagusto sa plot at kwento. Ang pinaka-inspiration nito ay iyong tita at kaibigan ko na may sakit then both in heaven na.
Hindi ko akalain na tatanggapin ng ilang yaoi readers ang kwento kaya I'm thankful. Pero sana maintindihan niyo na mula umpisa my plot is this. My plot and the story will end up to the way the story ends up. Hope maintindihan niyo.
Thank you ulit and hope you like it.
May sequel ito the title is Loving You Forever na sesentro naman kay Sir Cloud. Surprise, surprise sa kwentong ito but for now. Here's the epilogue!
Epilogue
Cloud Garcia
In the past months di ko ineexpect na mararanasan ko ang pakiramdam na ito. After my first love's death akala ko wala ng papalit sa kanya. Akala ko iyon na ang pinakalast until I met him. Si Terrence Joshua Hernandez, siya ang nagbigay at bumuhay sa puso ko ulit. Siya ang dahilan kung bakit sumaya at mas naging masaya ako.
He is your average good-looking guy na di katangkaran pero halata ang pagiging ma-charm at mabuting tao.
He took my breath away unang pasok pa lang niya sa buhay ko. Iba siya sa lahat, iba siya kaysa kay Josh.
Oo minahal ko ng sobra si Josh pero kay Terrence, hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba pero simula ng maramdaman ko sa kanya ang walang kapantay na pagmamahal alam kong, siya na. Siya na lang talaga ang mamahalin ko. Siya na lang ang tanging magpapatibok ng puso ko.
Habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Iba't ibang emosyon ang binuhay niya sa akin. Di man halata pero iba't ibang emosyon ang naramdaman ko. Di ko akalain na may stalkerish personality ako. Siguro walang nakakalam pero madaming beses na sinundan ko siya. Madaming beses na tuwing nasa university siya ay sinusubaybayan ko siya. Makita ko lang iyong ngiti niya. Satisfy na ako. Napapanatag na kaagad ang kalooban ko, pagnakikita kong malungkot siya. Mas nalulungkot ako. Gusto ko siyang lapitan at aluhin sa mga ganoong panahon.
Masaya akong nakikita siya at pinagmamasdan pero di ko ding naiwasang magsawa. Nagsawa na ako sa kakatingin, nagsawa na ako lagi lang nakamasid.
Dumating iyong time na gusto ko na siyang lapitan, na gusto ko na siyang makasama at mahagkan.
Nagsimula ito noong lagi ko ng nakikita na kasama niya si Julian. Oo umpisa palang alam o rather nararamdaman ko ng may gusto si Julian kay Terrence. Sobra akong na threaten sa paglapit-lapit ni Julian sa kanya kaya siguro sinusulit ko lagi iyong mga panahon na nakakasama ko siya. Pinapakita at pinapahaging ko sa kanya ang nararamdaman ko. Sobrang saya at tuwa ko nga tuwing namumula siya at tila kinikilig.

BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...