Chapter 19

982 30 12
                                        

Happy 2000+ haha maraming salamat po sa inyo. Salamat at binabasa niyo ang kwentong ito:)

Dedicated sayo ito :) Maraming thank you:)

Chapter 19

"Isa, dalawa, tatlo!"

"Ano? Bakit ka nagbibilang?"

"Masama?"

"May sinabi ako?"

"Wala."

"Eh iyon naman pala e."

At bigla niya akong inatake ng kiliti.

Tawa ako ng tawa. Hinihingal na nga ako sa kiliti na ginagawa niya. Pinapalo ko nga siya, wala pa ding tigil.

"Cloud, tigil na! Ayaw na. HAHAHAHAHAHAHA." tili ko ng wagas.

Nasa ospital pa din ako, nandito siya sa room para dalawin ako. Isang linggo na din ako dito. Madami ng dumalaw sa akin. Kaso itong lalaki na ito ang di nagmintis. Sina mama alam na din nila iyong amin ni Sir.

HAHAHAHA may amin talaga eh.

Walang say si mama pero si papa.

Hindi ko alam ang reaksyon niya.

Hindi pa din kasi kami nagkakaroon ng time para makapag-usap. Kinakabahan nga ako eh, feeling ko disappointed siya sa akin.

Nang tumigil si Cloud na kilitiin ako ay pinanggigilan naman niya akong yakapin.

"Ang bango bango talaga ng baby ko. Hmm, sarap mong kainin." nangigigil na kagat niya bigla sa balikat ko.

After niyang gawin iyon ay may naramdaman akong kakaibang kilabot na dumaloy sa katawan ko. Kakaiba, nakakatakot but at the same time may kiliting dulot.

Nagsumksik na lang ako sa kanya. Ganito pala iyong feeling na may nagmamahal sayo, ang saya lang.

"Cloud." pagtawag ko sa pansin niya.

"Hmm."

"Masakit iyong kagat ah. Tigil na baka may biglang pumasok eh." nahihiyang sabi ko.

Tumawa lang si Sir at umupo na ng maayos.

"Okay po. What do you like? Madaming fruits dito, pagbabalat kita." sabi niya.

In My Dying DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon