Dedicated to you!
Thanks everyone! Enjoy reading:)
In the left, my fav song also TJ's ringtone:) Pakinggan niyo maganda iyan promise!!!
Chapter 23
Naghahanda na ako ng mga gagamitin at dadalhin sa outing namin bukas. Oo bukas na iyong outing akala mo parang kahapon lang pero pag-excited ka ang bilis talaga tumakbo ang oras. Kasing bilis ng oras na nalalabi sa akin.
Napaupo ako. Ano ba iyang naiisip ko? Emo mode na naman ako. Minsan talaga ang senti ng utak ko. Pinagpatuloy ko na ulit ang pagliligpit. Habang absorb na absorb ako kung anong damit at gamit ang dadalhin ay pumasok sa kwarto ko si mama. Paano ko nalaman? Basta kilalang-kilala ko ang presensiya at amoy ng pabango ng mama ko.
Niyakap niya ako patalikod at pinatong ang kanyang cheeks sa balikat ko.
"Nak pwedeng di na lang kayo tumuloy?" sabi niya sa akin. Binaling ko ang mukha ko kung nasaan ang ulo niya and kissed her forehead.
"Mom, I want to go. Ako nga ang nag-aya sa kanila at namilit tsaka andun naman sina Derry at Cloud. Hindi nila ako pababayaan." pag-aassured ko sa kanya.
Nakapikit siyang niyakap ako ng mas mahigpit.
"Nag-aalala lang ako. Ilang beses ka ng nagkaatake. Ayoko, ayokong mag-isip ng masama pero anak natatakot ako. Natatakot ako na di ka bumalik dito sa bahay pagkatapos nito. Na baka after your vacation-" hindi na naituloy ni mama ang sasabihin pa sana niya ng hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil. Nilayo ko na rin ang sarili ko sa kanya.
Hinarap ko si mama sa akin. I smiled at her. A loving, true smile.
"Don't worry mama. I promise babalik ako. Babalik at babalik ako dito sa bahay, buo at tutulungan pa kitang magbake kung gusto mo." sabi ko.
Mukha pa ding di ko napapakalma si mama pero kahit papaano di na gaanong ka-worried ang mukha niya. Ni kiss ko siya sa cheeks ang hold her in my arms.
"Huwag ka ng mag-aalala mama. Di ko pababayaan ang sarili ko. Kilala niyo naman ako di ba, kaya huwag na kayong ma-stress dyan. May ilalaban pa ako. Lalaban pa ako para sa inyo." genuine kong sabi.
She kissed my forehead ang ruffled my hair.
"I love you TJ." sabi niya.
Ngumiti ako kay mama.
"I love you too mama."
After ng madrama naming pag-uusap ni mama ay nagpahinga na ako. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.
Pero hindi ko na lang gaanong pinansin. Sabi nga nila mind over matter lang ang mga bagay-bagay. Once na inisip ko ng inisip lalong mangyayari iyon so I just lay down on my bed and rest.
![](https://img.wattpad.com/cover/10619418-288-k809490.jpg)
BINABASA MO ANG
In My Dying Days
RomanceIn My Dying Days Description: Sabi nila once in a life time lang daw yung love. Minsan lang daw yun dumadating. Kumbaga madami man tayong makilala na masasabi nating minahal natin pero mayroon daw isang partikular na tao ang matatawag nating tunay n...