Chapter 9

1.1K 34 1
                                    

Chapter 9

Ang sakit pala nung wala ka pang nagagawa alam mo ng walang pag-asa.

Ang sakit lang. SObra.

Para akong tinutusok ng isang libong karayom, para ako pinapatay.

Super nahaheartbroken ako kahit wala naman akong karapatan.

Ako? Estudyante lang naman niya ko e di ba?

Isang may taning na ang buhay na nagpupumilit mag-enjoy sa nalalabing panahon sa mundo.

Isang estudyante na pilit na nangangarap sa isang taong alam naman niyang kahit anong gawin niya ay di lalagpas sa pagiging estudyante ang tingin sa kanya.

Hay. Life! Para kang buhay.

"TJ! Tulala ka dyan?" nakangiting tawag sa aking pansin ni Julian.

Umiling lang ako at patuloy na nagmuni-muni.

Hay! Ganito pala ang broken hearted, nakakabaliw.

"Huy! Para ka ng tungaw dyan? Problema mo?" tanong pa niya.

Napabuntong-hinga naman ako at tumingin sa kanya.

"Julian, ang sakit pala. Hay." sabi ko sa kanya

Kumunot naman ang noo niya at tumingin ulit sa akin.

" Ano ba kasi problema mo? Ano ba nangyari?" tanong ulit niya sa akin na may halo ng pag-aalala.

"Wala. Wag ka mag-alala, wala lang ito." sabi ko naman.

Napatitig na lang sa akin si Julian at napailing.

"Beh, kung tungkol ito kay sir, ano ba nalaman mo? Bakit ka nagkakaganyan ah?" tanong niya ulit. Umupo na siya sa tabi ko, yung parang handa siyang makinig sa lahat ng hinain ko sa mundo.

I took a deep breath at tumingin sa kanya.

"Eh kasi Juls. Hmm. Ang sakit talaga." sabi ko na lang.

May pag-aalalang tumingin sa akin si Julian.

"Hoy?! Ano masakit sayo? Saan? Sa ulo ba? Naku, biogesic lang katapat niya." sabi pa niya sa akin.

Umiling lang ako.

"Ganun? Edi sa tiyan noh. Oo nga hassle talaga pagmasakit ang tiyan. Oh ito. Diatabs, effective yan." ulit niyang suggestion sa akin.

In My Dying DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon