Hangin, Tubig, Lupa at Apoy ang mga apat na elementong sumisimbolo sa buong kaharian ng Gladiol na nahahati sa apat pang kaharian. At sa apat na kaharian na mga ito, may mga pinunong buong puso na ibinibigay ang pamumuno nila dahil sa pagmamahal nila sa kaharian at sa lahat ng mga nilalang na namumuhay dito.
Subalit sa ilalim ng kapangyarihan ng kadiliman ay maaagaw nito ang pamumuno ng liwanag na hinding-hindi makakalimutan sa buong kasaysayang ng Gladiol.
Sa pagligtas sa apat na tagapagmana, abangan ang pakikipagsapalaran nila sa mundo ng mga mortal. Paano nila maisasakatuparan ang nakatadhana sa kanila kung nakasanayan na nilang mamuhay sa mundong kinagisnan nila? Mababawi pa ba nila ang kaharian at tagumpay na dapat sana'y sa kanila?
At mapapatunayan ba ng pag-ibig na ito ang natatanging sagot para sa inaasam nilang kapayapaan?
Ito na ang pagsisimula ng panibago at makabuluhang storya na tiyak na magpapamangha at magpapalawak ng inyong imahinasyon.
Subaybayan sila Prinsesa Sabrina, Prinsipe Aquiro, Prinsesa Amira at Prinsipe Erif sa... The Princess and His Magic.
Subaybayan niyo po sana ang fantaserye/fantastory na ito na tatatak sa inyong mga puso. Bawiin natin ang award na dapat ay sa atin! Hahaha!
~Quenits
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...