¤ EDEN ¤
My first subject was over and I'm trying to fix my things for my second subject. Plano ko na din munang pumunta ng locker para kunin ang book ko for next subject.
"Totoo ba na nandito sa building natin kanina si Sin Villareal?" Narinig ko na lang na sinabi ng isa sa mga girl classmates ko.
"Oo, nakatingin lang siya sa mga classrooms dito. Parang he was looking for someone." Sagot ni Elisse sa kanya. One of my classmates as well.
"Really? Ang gwapo niya, 'no? Kaya pala panay ang pagkakagulo ng Seniors kanina." Sabi naman nung isa.
"Ang nakakagulat pa doon. Dito siya tumigil sa harap ng classroom natin."
"And he was staring at..." Hindi man ako nakatingin ng diretso sa kanila, pero napapansin ko sa peripheral view ko na tumingin sila sa'kin. I don't know, but bigla akong kinabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Isinara ko na ang bag ko at mabilis na lumakad palabas ng calssroom.
While I'm walking along the corridor I keep on thinking kung bakit siya pumunta dito at bakit niya ako hinahanap. There might be a reason why he went here, because kahit papaano ay kilala ko si Sin. I remember when we were together, the only reason why he's roaming around the Sophomores Building is because of me. Susunduin niya ako at ihahatid sa classroom. Minsan, hinihintay niya akong mag break. He was the Sin I've met two years ago.
Pagkarating ko sa harapan ng locker ko at pagkabukas ko, bigla ko na lang tinambak yung mga books and notebooks sa loob at naisara ko pa ng padabog yung locker. Hindi ko alam kung ano ba'ng dapat kong ma-feel sa ginagawa ni Sin. Kasi until now gumugulo pa din siya sa isip ko. Magulo pa din yung nangyari sa aming dalawa. Masakit pa din.
"Eden?" I heard my name from someone, nakita ko na lang na si Madison pala 'yon. She's one of my girl friends in school.
"Mads." Ngumiti na lang ako ng matipid at yumakap na lang siya sa'kin. Hindi na kasi kami classmates and sobrang tagal na din simula noong last na pagkikita namin. Ganoon din, bago ako lumipad papuntang Georgia, USA.
"How are you? Grabe, napaka ganda mo lalo." Sabi niya na ikinatuwa ko naman. She's really humble and sincere as always.
"I'm very good. Ikaw, kamusta ka na? I've missed you." Masayang sabi ko at yumakap ulit sa kanya. Na-miss ko talaga itong bestfriend kong maituturing.
"Mabuti naman. Gosh, nag bloom ka lalo. Sobrang na-miss kita. Hindi lang kita nakikita dito sa PEA, pero balita ko last week ka pa bumalik and pumasok."
"Yes, mga second day of class ako pumasok. Ngayon lang din kita nakita, grabe. Ano'ng section mo ba?" Kahit papaano ay nawala ang inis at lungkot ko dahil kay Madison. Salamat at nakita ko siya.
"Manitoba ang section ko." Sagot niya.
"Alberta ako. Um, break mo ba?" Tanong ko sa kanya. Para makapag usap naman kami ng maayos.
"Actually, galing lang din ako sa locker ko, then napansin ko nga sa side view mo na ikaw nga si Eden. So, hindi ako nagkamali. Sobrang miss kita, friend." Hindi pa din talaga nawawala kay Madison ang pagka emotional niya. She's still the same.
"Sabay tayo mag lunch later?" I asked her para na din masigurado ko na we can bond again.
"Sure! Magkita na lang tayo dito sa locker area. I'm so excited to share much stories to you." Humawak pa siya sa kamay ko at natawa naman ako sa kanya. Narinig na lang namin ang bell, so second subject na in 15 minutes.
"Sige na, Mads. I'll see you later." Kumaway na ako sa kanya at siya din. Opposite ang way namin dahil nasa ibaba ang classroom niya.
Kahit papaano ay nawala ang badtrip ko. Kahit pa hindi pa din mawala sa isip ko ang tanging pakay ni Sin sa pag punta niya sa harapan ng classroom ko. Does he wants to say something? There's a part of me na gusto siyang pakinggan, and the other half is ayaw ko ng pag-usapan pa.
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...