Kabanata 12

67 2 3
                                    

¤ ISAY ¤

"Ano'ng pinagusapan niyo ni Caleb?" Parang nang-aasar na tanong ni Natalie. Nasa canteen nga pala kami ngayon at kumakain na ng lunch. Kanina pa ako kinukulit nitong dalawa lalo na ni Natalie kung ano ba'ng pinagusapan namin ni boy arogante.

"Tungkol nga sa project." Paulit-ulit kong sagot sa kanila. May iba pa ba akong ikekwento, eh 'yon naman talaga ang pinagusapan namin?

"Tungkol lang sa project? Eh, ba't kailangan pang sa rooftop kayo umabot?" Tanong niya ulit. Hala, sige! Alam kong mayaman kayo at naka-unlimited kayo, pero 'wag naman sa ganitong paraan. Umiling na lang ako at kumain na lang ng kumain. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa sinabi niya kung bakit hindi siya pumayag palitan ako bilang partner niya. Pakiramdam ko namula ako sa sinabi niyang 'yon kanina.

"Ako? Gusto mo 'kong makilala pa? B-Bakit?" Sobrang nagtataka ako. Parang gusto ko na lang tumalon mula sa rooftop.

"Kasi you're different. Hindi ako effective sa'yo. Hindi effective yung kaguwapuhan ko, yung looks ko, yung tingin ko. Kasi, alam mo, halos lahat ng babae makita pa lang nila ako sa kauna-unahan, napapanganga na sila. But, you? You scold me when we first met. You really hate me." Mangiti-ngiti niyang sinabi. Hindi ako nakapagsalita kaagad sa sinabi niya. Ibig bang sabihin, interesado siya sa'kin? Ayaw kong mag-isip ng iba na itong taong 'to magkakainteres sa'kin?

"Gusto mong lumalayo sa'kin. Wala akong dating sa'yo. And that makes me so difficult to convince you. Because, nakakasawa na na halos lahat ng tao sa paligid mo ay hinahangaan ka. Lahat ginugusto ka, pumapanig sa'yo, at hinahabol ka. Pero ikaw, bicycle girl, you're very difficult. Doon ako nagkaroon lalo ng interes sa isang tao, dahil it's my first time to encounter a lady like you." Walang alinlangan niyang sinabi habang nakahawak pa din sa kamay ko. Napansin ko lang din na hindi pa din niya 'to binibitawan. At sa haba ng sinabi niya, sa tingin ko iilan lang ang nakuha ko, pero lahat 'yon gets ko na. Hindi ako nagmumura, pero parang gusto kong mag-express ng isang mura lang.

Sh*t! Ibig sabihin interesado nga siya sa'kin!?

"Caleb," Salamat naman at nakapagsalita na ako. Unti-unti na din siyang bumibitaw sa kamay ko. "H-Hindi ko alam ang gusto mong ipahiwatig. Sabihin na nating ayaw kong mag-assume, pero sa ngayon, mas magiging maayos kung magkakasundo at magiging magkaibigan tayo." Bumitaw na siya sa kamay ko at napatawa ng bahagya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What would you like to assume? That's actually my point, bicycle girl. Yung kahit papaano maging friends tayo. 'Yon lang naman din ang gusto ko. Sana magkaayos na din kahit papaano." Sambit niya sabay ngiti. Nag-assume ba ako masyado? Sandali nga. Oo nga naman, siya magkakagusto o magkakainteres sa'kin? Ha! Ang labo, hindi ba?

"Ah, eh," Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Natawa na lang ako ng parang siraulo at napakamot sa ulo. "Oo, tama ka. Hayaan mo na 'yon. Basta, maging maayos lang tayo sa isa't-isa." Tatawa tawa ko na namang sinabi. Mukha lang akong tanga ngayon. Assumera ka kasi, Isay.

"Good friend sana. Hindi bad friend." Sabi pa niya at tumango na lang ako. Hindi ko na 'to kinakaya.

"Sige, Caleb. Mauna na talaga ako. Bye!" Bigla na lang akong kumaripas ng labas ng pintuan at baka hilahin na naman niya ako at pigilan. Habang bumababa ako ng hagdanan feeling ko pinagpapawisan ako ng malamig. My heart, kumalma ka na.

Hindi kasi mawala sa isip ko lahat ng usapan namin. Na-pi-picture ko pa din kasi 'yong moment at eksena. Nakakainis 'tong boy arogante na 'to.

"Hey, Isay! Where on Earth are you?" Nagulantang ako sa pagkakakabog ni Star sa mesa. Masyado akong nag flashback. "Tulala ka na. Gosh." Sabi niya ulit.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon