¤ EDEN ¤
It has been couple of weeks since Sin started courting me. Ganoon pa din naman, hindi pa din siya tumitigil sa pangungulit sa'kin. Palagi pa din niya akong hinihintay pumasok para ihatid sa classroom ko. Palagi niya akong sinasabayan mag lunch kapag saktong vacant niya ng lunch break ko. Palagi niya akong hinahatid sa pasakay sa kotse kada uwian ko. Kahit ba parang naiinis na ako sa pamimilit niya at naguguluhan ako kung paano ba ang magiging desisyon ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit feeling ko natatakot ako kapag one time bigla na lang siyang mapagod at tumigil na suyuin ako.
Panibagong week for Sin's pangungulit. Well, nandito na ako sa PEA and we just arrived ni Kuya. Naghiwalay na din kami ng paglalakaran since I'm going to Senior High Building. And heto nga, mabilis naman na akong nakarating sa locker ko, but I don't know kung bakit umaasa akong may lumapit sa akin at kunin ang mga gamit ko. Hindi holdaper ah? Pero, kanina pa ako patingin tingin sa paligid at hinahanap ang taong mahilig mangulit sa akin. Nakakapagtaka at wala yata siya ngayon.
Hanggang sa nanggaling na ako ng C.R. at papunta na ngayon sa classroom, pero wala pa din siya. Hm? First time niyang ma-missed na kulitin ako. Eh, bakit ko ba siya hinahanap at hinihintay? Hindi ba't dapat ay dedma lang ako sa ganito? Ayaw ko ngang makulit siya eh, tapos ako naman 'tong naghihintay ngayon. Ugh! Whatever.
Nagsimula na ang first subject, but he didn't appear. He can't be found nowhere. Eden, bakit mo ba siya hinihintay? Mag focus ka nga! 'Di ba ayaw mo ngang nangungulit siya, eh bakit mo hinahanap? Aish! Kailangan kong mag focus ngayon. But at the same time hindi ko maiwasang mapatingin sa glass door, nagbabaka-sakaling nandoon pala siya at nahuli lang na ihatid ako. O baka tinitignan niya ako para i-check. Unfortunately, walang bakas ni Sin.
"By the way, today is Pearl of the East Academy's 20th anniversary and 20th foundation day. There will be celebrations later with booths, stalls, small fun rides and presentations from school clubs. So, after your second subject that's the time when foundation day starts." Ms. Harris said. Everyone's excited for the foundation day. Mom and Dad was asking for good and fun of the foundation since hindi sila makakapunta dito sa school. And yes, today is PEA's 20th anniversary. Which is as always, everyone here is celebrating the foundation day by having booths, rides, games, performance from school clubs and etc. At ibig sabihin, dalawang subjects lang kami the whole day dahil i-se-spend namin ang araw sa pagsasaya.
Paboritong paborito ng lahat ang araw na 'to, lalo na ng kids dahil nga sa mga activities and all. Masaya naman talaga ang foundation day dito. Kaso, nagsasawa na din ako dahil simula pa dati'y nararanasan ko na 'to. Mayron namang mga bagong booths and rides every year, pero ganoon at ganoon pa din naman.
First subject's over at wala pa din siya. Ano ba!? Bakit ba ako nag-e-expect sa kanya? Ano naman sa ngayon? Baka naman busy siya dahil foundation day nga ngayon? Baka nga.
"Eden!" May tumawag sa'kin at excited naman akong lumingon. Kaso, pag lingon ko, hindi naman pala yung taong inaasahan ko.
"Ah, Madison? Hi." Sabi ko na lang and mabilis siyang lumapit sa'kin.
"Buti nakita kita kaagad. Yayain sana kita na magsama tayo mamaya." Ngiting-ngiting sinabi niya.
"Oo naman. Tayo na lang magsama mamaya." Masaya ko namang sinabi. Napansin ko namang parang nawala yung smile niya at napalitan ng doubt. Hm?
"Um, b-baka kasi. May iba ka ng kasama." Sabi niya at ngumiti lang ako ng matipid.
"Wala, ano ka ba? Kaya tayong dalawa na lang magsama later."
"Ah, ganoon ba? Baka kasi kasama mo si, si Sin Villareal." Nagulat naman ako sa sinabi niya at natawa na lang ng bahagya. Paano kami magkakasama nun, eh hindi nga nagpapakita ngayon?
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...