Kabanata 11

44 2 2
                                    

¤ GLADIOL ¤

Nakaupo sa trono nito ang kinikilalang reyna ng buong kaharian na si Deborah. Siya ang bukod tanging namumuno sa loob ng dalawampu't taon simula nang mapaslang niya ang mga hari at reyna ng apat na kaharian. Suot niya ang kumikinang na korona habang may bakas ng pula at itim ang kanyang mahabang kasuotan. Ang buong paligid ng Gladiol ay kayumanggi habang nagdidilim ang buong kalangitan. Tila naglaho na ang noo'y makulay at buhay na kapaligiran ng buong kaharian.

"Ano ang balita sa inyong paghahanap?" Tanong ni Deborah sa isa sa mga tagapag utos niya.

"Mahal na Reyna Deborah, ikinalulungkot po namin, ngunit wala pa rin kaming natatagpuang bakas o ebidensya ng mga tagapagmana." Sagot ni Lawak, ang pinuno ng mga tagapag utos ng Reyna.

"Wala pa rin!?" Napatayo si Deborah mula sa trono. "Ilang taon pa ba ang lilipas upang matahimik ang aking kalooban na pumanaw na ang mga tagapagmana at wala na'ng sinuman ang mamumuno sa Gladiol kung hindi ako lamang!?" Nanggagalaiting pagkakasabi niya.

"Patawarin niyo ho kami, Mahal na Reyna."

"Magsilayas kayo sa aking harapan! Mga walang silbi!" Galit na galit na pagkakasigaw niya sa kanyang mga kawal at mabilis namang nagsialisan ang mga ito.

"Paano ko malalaman na hinding-hindi na babalik ang mga tagapagmana? Paano ko malalaman na wala ng hahadlang sa pamumuno ko? Kahit ang mga hiyas ay hindi masambit kung nasaan ang mga tagapagmana at kung nabubuhay pa ba sila. Hindi ako makapapayag na makabalik pa sila. Hindi." Bulong ni Deborah sa kanyang isipan.

¤ Eden ¤

Bakit masakit pa din? Bakit nararamdaman ko pa rin 'to? Tinakasan ko na yung ganitong pakiramdam dati, pero bakit mas lumala yata ang sakit ngayon? Ito na ba yung tinatawag nilang karma sa love? How could I say na karma ito, kung wala naman akong ginawang masama sa relasyon namin noon ni Sin? I have too many questions in my mind right now, and I'm randomly looking for the answers.

Napabangon ako sa kama at napahinga ng malalim. Sobrang wala akong gana ngayon. Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos at kada pikit ko ay mukha ni Sin ang nakikita ko. Naaalala ko lahat ng mga salitang binitawan niya sa'kin kahapon nang mag-usap kami. Am I too bad to be self-centered? Sobrang manhid ko ba na pati feelings ni Sin ay 'di ko man lang inisip? Napatakip na lang ang mga palad ko sa mukha ko.

"Ma'am Eden?" Narinig ko ang katok ni Manang Betchay. "Ma'am Eden, kakain na po. Ma'am?"

"OK, Manang. I'll follow." Walang ganang sagot ko, at hindi ko naman na narinig na sumagot si Manang.

Pagkababa ko ay sinalubong kaagad ako ni Kuya ng ngiti niya. Nakaupo na siya sa harapan ng mesa.

"What happened to your forehead?" Tanong ko. May bandage kasi ang noo niya. Hindi na kasi kami nagkita kahapon dito sa bahay at hindi ko man lang alam kung anong oras siya umuwi.

"Nothing. I just bumped in to something." Walang gana niyang sagot. Hm? Something? Or something smells fishy? "Anyway, how are you?" He changes the topic. So, ano ba'ng dapat kong isagot?

I'm fine. Actually, nasasaktan nga ako ngayon eh. Alam mo ba 'yon? Ang hirap kaya!

I shrug my shoulders and smile a bit. "I'm doing good. Focus lang sa studies. You?" Focus sa studies na kung paano ako makakatakas sa reality ng sakit. Pinagaaralan ko kasi talagang maka move on eh.

"OK lang din. Nagkakaroon na ng directions ang lesson plan ng professors." Nakangiting sagot ni Kuya. Alam ko namang he can pass the subjects kahit pa mahirap kasi bukod sa akala mo tamad siya mag-aral at pogi lang siya, nagkakamali kayo. Matalino at gustong makapagtapos ni Kuya.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon