Kabanata 2

65 2 1
                                    

"Huwag mo namang sirain ang mahalagang okasyon na ito, Deborah. Para ito sa tagapagmana ng Ria! Para ito sa Prinsesa namin!" Matapang na sinabi ni Harang Isidro. Humalakhak lamang si Deborah sa sinabi.

"Kayo... Kayo ang sumisira sa mga plano ko... Kaya dapat sa inyo ay isa-isang paslangin!" Galit na galit na sambit ni Deborah at bigla itong nagpakawala ng malakas na mahika patungo sa nakatayo na si Haring Adan.

"Adan!" Nabigla at napasigaw si Reyna Victoria sa pagbagsak ni Haring Adan nang matamaan ito ng kapangyarihan ni Deborah. "Adan! Mahal ko, gumising ka! Adan!" Maluha-luha nang pagmamakaawa ni Reyna Victoria habang ginigising ang kanyang Hari na ngayon ay wala nang malay.

"V-Victoria... A-Aking Re-Reyna..." Tumulo naman ang mga luha ni Reyna Victoria, at nang tumulo ito sa lupa ay nagtaglay ito ng maliit na mahika apoy na mabilis namang naglaho.

"Aking mahal na Hari. Huwag kang bibitiw." Patuloy sa pag-iyak ni Reyna Victoria.

"A-Ang ating P-Prinsipe E-Erif. Iligtas m-mo siya. I-Isalba mo siya aking Reyna." Halos malalagutan na ng hininga ang Haring Adan.

"Amalia! Gamutin mo ang Hari! Ngayon din!" Utos ng Reyna Victoria at mabilis na kumilos ang pinuno ng mga Patrona. Itinapat ni Amalia ang kanyang kamay na nagtataglay ng mahika ng panghilom sa dibdib ng Hari.

Huli na ang lahat nang bigla na lang itong malagutan ng hininga at tuluyan nang sumalpak ang katawan sa lupa.

"Adaaaaaaaaaaaaaan!" Paghihinagpis ni Reyna Victoria nang tuluyang mapaslang ni Deborah ang kanyang Hari.

Naglabas na ng mahika ang mga Hari at Reyna at naghanda na ang mga kawal sa pagsugod kay Deborah. Nagkagulo na sa buong bulwagam at nagtakbuhan palabas ang mga nilalang.

Galit na galit na hinarap ni Reyna Victoria si Deborah. "Napaka walang hiya mo, Deborah! Sakim ka! Makasarili! Isa kang kasumpa-sumpang hayop! Dapat ikaw ang pinapaslang! Hyaaaaaaaaa!" Biglang nagbato ng mahika apoy si Reyna Victoria na nagpatalsik naman kay Deborah. Buong pwersa siyang lumagapak sa lupa ngunit tumayo pa din ito.

"Ano ang akala ninyo sa akin? Ganoon na lang na madaling matatalo? Pinaghandaan ko ang lahat ng ito aking mga kapatid."

"Huwag mo kaming matawag-tawag na kapatid! Dahil wala kaming kadugo na traydor at sakim!" Nanggagalaiting sambit ni Reyna Almira. Humalakhak lamang si Deborah.

"Kayo ang mga traydor! Kung hindi dumating ang inyong Inang Reyna ako dapat ang kaisa-isang tagapagmana at Reyna ng buong Gladiol!"

"At ano ang kasalanan namin sa pagsilang sa amin ng aming Inang Reyna!? Hindi mo lang matanggap na taksil din ang iyong Ina kaya siya iniwan ng ating Amang Hari!" Sambit ni Reyna Savana. Hindi naman natuwa si Deborah sa sinabi ni Reyna Savana at matalim itong napatingin sa kanya.

"Walang katotohanan ang pinagsasabi mo, Savana!"

"Totoo iyon! Alam mo ang kasaysayan na nakasaad sa kasulatan ng Gladiol." Sambit naman ni Reyna Helena.

"Inuubos ninyo ang pasensya ko! Magtuos tayong lahat!" Nanggagalaiting isinigaw ni Deborah at dahil sa taglay niyang may malakas na kapangyarihan ay mabilis niyang naubos ang mga kawal. Natamaan naman niya sina Haring Samson at Haring Ramon gamit ang pinakamalakas niyang mahika. Nalagutan din ng hininga ang mga Hari.

"Papatayin kita, Deborah! Papatayin kita!" Nagpatama si Reyna Almira ng mahika lupa at malakas na tumama ito kay Deborah. Halos hindi na ito makatayo pa.

Samantala, habang nagkakagulo ang mga Reyna laban kay Deborah ay kanina pa biniyayaan ni Reyna Savana ng proteksyon ang apat na sanggol. Hindi namamalayan ni Deborah na hindi na hawak ng mga Reyna ang kani-kanilang sanggol.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon