Kabanata 8

44 3 3
                                    

¤ ISAY ¤

Inhale, exhale, inhale, exhale. OK, kinakabahan na ako, pero nakakaramdam din ako ng excitement. Ngayon na kasi ang unang araw na papasok ako sa Pearl of the East Academy. At dahil nga sa hindi pa tapos ang uniform ko, naka-casual lang ako ngayon. Isang mahabang palda at blouse with matching chaleco pa. Naitali ko na din ng messy bun yung buhok kong mahaba. This is it, pansit!

"Anak, heto'ng baon mo." Iniabot na sa'kin ni Inay ang isang plastic bag na naglalaman ng tupper ware kung saan nakalagay ang pagkain ko.

"Salamat, 'Nay." Nag-check muna ako ng bag kung kumpleto na ba ang gamit ko. Isang long strap shoulder bag lang naman ang gamit ko na pinaglumaan pa ni Inay. Hindi na kasi ako nagpabili pa ng mga bagong gamit kasi may magagamit pa naman ako.

"Oh, baka may maiwan ka pa, ha?" Pagpapaalala ni Inay. Ngumiti naman ako sa kanya at umiling.

"OK na po yung mga gamit. Mukhang wala na 'kong naiwan." Sagot ko. Tumayo na din ako at tumingin ulit sa salamin sa pader namin. Napabuntonghininga na lang ako. "Ayan, ready na 'ko."

"Sige, anak. Mag-iingat ka sa pag pasok at pagbutihin mo ang unang araw mo, ha? Makipag kaibigan ka din, pero sa matitino naman. Maliwanag?" Paalala sa'kin ni Inay at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Tumango naman ako at ngumiti ng matamis.

"Oo naman po. Alam ko naman, Nay, eh. Pagbubutihan ko po ngayong araw." Ngumiti din naman si Inay ng matamis at hinalikan na ako sa noo.

"Sige na at umalis ka na. Baka mahuli ka pa sa klase mo. Tandaan mo, anak, kapag hindi mo alam ang room o section mo magtanong ka lang. OK?" Paalala ulit ni Inay sa'kin. Si Inay talaga, napaka maalalahanin.

"Syempre naman po. Magtatanong na ako kaagad kapag 'di ko alam kung saang room at section ako. Alis na po ako, 'Nay. Bye!" Hinalikan ko naman na siya sa pisngi at umalis na. Ito na naman yung kabang nararamdaman ko.

Sumakay naman na ako sa bike ko at tumungo na sa school. Ayaw ko na din munang mag commute dahil dagdag gastos lang kahit pa mag jeep ako. Sayang din 16 pesos balikan, 'no!? Alam ko namang nagpa-park din sa school na 'yon ang mga bikes kaya lakas-loob ko na ding ginala 'to si bikey.

Pagdating ko sa harapan ng gate ng PEA, kaagad akong hinarang ng guard.

"Wait lang. Saan ang punta mo?" Tanong sa'kin ni Kuya Guard, 'yong madalas kong makita kapag nagpapadala ako ng dyaryo dito.

"Papasok po ako." Sagot ko. Tinignan naman niya ako ng mabuti, mula ulo hanggang paa. Pati si bikey tinignan niya rin.

"Hindi ba't ikaw yung nagpapa deliver ng dyaryo dito? Bakit ka papasok sa loob? Dito mo i-abot sa'kin ang dyaryo." Sambit niya at medyo natawa naman ako. Tinapik ko si kuya ng mahina sa braso.

"Kuya naman, oh? Oo, ako yung nagpapadala ng dyaryo dito. Papasok po ako kasi estudyante na ako dito, at hindi na po ako mag-de-deliver ng dyaryo." Nakangiti kong sinabi. Nagtataka pa ding napatingin sa'kin si kuya.

"Paano? Niloloko mo lang yata ako eh?"

"Naku, Kuya. Heto'ng schedule form ko." Iniabot ko naman sa kanya ang papel ko ng mga schedules. "Wala pa po akong I.D. kasi first day ko po ngayon. Ayan ang pangalan ko sa form." Nakikita ko namang binabasa ni kuya ang form ko. Napatingin siya sa'kin at bumalik sa form.

"Oh, sige. OK na 'to." Ibinalik na niya sa akin ang form at ngumiti. "Dumiretso ka ng college's office at doon mo kunin ang I.D. mo, hija. Kailangan kasi bukas may I.D. ka ng mapapakita sa'min."

Tumango naman ako at ngumiti ng maluwag. "Opo, makakaasa po kayo. Salamat nga po pala."

"Walang anuman."

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon