¤ SIN ¤
Natapos na din ang hell week, este ang examination week ni Eden. Ika nga niya, after ng examination week ay may isang linggong pag prepare para sa gaganapin nilang Seniors Night kung saan ikinahiya pa niyang ayain ako, eh maitatanggi ko ba namang excited din ako sa event na 'yon dahil maisasayaw ko siya?
Napansin ko namang alalang-alala ang babaeng kanina ko pa katabi. Nakasimangot na naman ang mukha niya, but still maganda pa din.
"Huy, ano'ng nangyari sa'yo?" Tanong ko kay Eden. Nasabi ko na bang nandito kami ngayon sa cafeteria ng school?
Tsaka lang yata siya natauhan nang magsalita na ako. Tumitig siya sa'kin ng sandali at saka bumalik sa ginagawa niyang pag text. Tsk! Sino ba'ng ka-text nito?
"Are you..." Tumitig ako sa mga mata niya at umayos ng upo. Namilog naman halos ang mga mata niya. "Are you cheating on me? Sino 'yang kanina mo pang ka-text at alalang-alala ka pa?" Tanong ko.
Actually, nag jo-joke lang naman ako sa kanya. May tiwala ako kay Eden, 'no? Pero syempre, hindi naman mawawala ang selos sa'kin. Ikaw ba namang magmahal ng taong isa sa may pinaka magandang biniyayaan ng may kapal, hindi ka ba naman madaling magseselos?
"What are you talking about?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa tanong ko. "No, I never cheated on you."
"Never, never. Eh, sino ba 'yang kanina pang naka focus ka diyan? Hindi na nga kita makausap."
"Hello? Si Kuya 'to. I keep on texting him 'cause I got a news saying he went out from school a while ago." Seryosong sabi ni Eden, at halata sa mukha niya ang pag-aalala. Naku, mukhang masama yata ang biro ko?
"Saan mo naman nakuha yung balita?"
"Saan pa ba? Eh 'di sa page ng PEA." Sabi niya at muling bumaling sa cellphone. Napakibit-balikat na lang ako at hinayaan siyang kausapin ang Kuya niya.
"So, nagkaroon ng gulo kanina sa section nila." Ani Eden. Napakunot-noo ako at napatingin sa screen ng telepono niya.
"Huh? Anong gulo na naman ba?"
"Nasa hospital ngayon si Kuya." Halata ang pag-aalala sa boses niya at huminga pa siya ng napaka lalim.
"Sandali, ang Kuya mo na-ospital dahil sa gulo? Gusto mong puntahan na natin?" Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kasi ramdam kong hindi din kumakalma ang loob ni Eden kahit pa mukhang pinipigilan lang niya ang sarili.
"Relax, Sin. Hindi siya ang na-ospital, kung 'di yung classmate niya. Siya lang daw ang nagdala doon sa hospital." Tumitig lang si Eden sa'kin na nagsasabing kumalma ako at hindi ko kailangang mag-alala. Sabagay, siya ngang kapatid mukhang hindi natataranta eh.
"Sorry na, malay ko ba kung baka na-fu-frustrate ka na diyan o ewan." Pagdadahilan ko. Bakit ba kasi parang lagi na lang active si Caleb ngayon sa mga hassle sa buhay?
"Hm, kasama na naman niya doon yung babaeng nabalita sa kanya dati sa PEA page." Aniya. I looked at her like 'di ko siya gets. "The girl he got rumors about. Yung Isay daw."
Oh, OK, gets ko na ngayon. Hindi naman sa pag judge kay Caleb, ah? Pero bilang lalaki, sige na nga mang-ja-judge na ako.
"Naku, sa tingin ko may pagtingin 'yang Kuya mo diyan." Ipinalo ko pa ng mahina ang kamay ko sa la mesa.
"How can you say?" Hulululu! Obvious na obvious na interesado siya sa sinabi ko.
"Ganito kasi 'yan," Humarap ako ng maayos sa kanya habang nakaupo pa din. "Kaming mga lalaki, mataas ang ego at pride. 'Yan ang lagi mong tatandaan."
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...