Kabanata 7

58 4 1
                                    

¤ CALEB ¤

Hindi ko alam kung ano'ng parusa ang gustong ipataw sa'kin ng diyos, pero bakit sa ganoong paraan pa talaga? Bakit sa laki ng Del Patio, talagang sa mall pa kami magkikita ni bisikleta girl o ni warfreak girl o ni shawarma girl o kung anuman ang pwedeng itawag sa kanya?

"Hey," Tawag sa'kin ni Eden. "Are you ok?" She ask.

"Y-Yeah, I'm ok. Why?"

"You look uneasy. Tsaka, bakit nakatitig ka lang diyan sa pita? Don't you want to eat that?" Tanong pa niya ulit habang papalabas na kami ng mall. We went to grocery at sakto namang nagutom ako, so bumili ako sa shawarma stand na 'yon habang nag sa-scan sa cashier yung mga groceries namin ni Eden. Unfortunately, oo, unfortunately talaga ay nagkita na naman kami ni bisikleta girl at sa hindi na namang magandang paraan kami nagkausap. Teka, usap ba 'yon? Eh, away 'yon eh?

"Wala lang. Tinitignan ko lang kung masarap ba siya or baka may sahog lang ako na ayaw." Pagdadahilan ko kahit kasinungalingan lang.

"Wow! So, there's a new concept on how you taste the food? Tititigan mo na pala siya para malaman mo kung masarap o hindi, at hindi mo na siya lalasahan gamit ang taste buds mo." Natatawa niyang sinabi at napangiwi naman ako. Kung hindi ka maldita, pilosopo ka naman.

"Ha-ha! Very funny. That's not what I meant." I've unlocked the car and its' compartment para ilagay ang mga groceries. "Ikaw mag drive ngayon." Utos ko sa kanya.

"Consequence ba 'to sa pamimilosopo ko?" Humalukipkip pa siya habang nakatingin ng mataray.

"Nope. It's like, kakainin ko kasi 'tong shawarma while we're on our way home." I smile while putting the grocery bags in the car.

"Hmp. Fine." She says and she has nothing to do about it. Sumakay na siya sa driver's seat habang papaubos na yung mga groceries na pinapasok ko. After kong mailigay lahat I hopped in the shotgun seat and nag drive na si Eden pauwi sa amin.

At last, kinakain ko na yung shawarma. Honestly, I didn't want to be like arrogant kay bisikleta girl. Masyado lang talaga na hindi kami nagkakasundo kahit ayaw ko naman talaga siyang patulan. Ganoon lang talaga siguro ang turing ko sa kanya, nakasimangot din naman siya nang makita niya 'ko kanina eh. But, I still remember her innocent and small face. Nalapitan ko kasi masyado yung mukha niya kanina sa pagkainis ko habang nagtatalo kami. I even saw her teary eyed reaction habang sinasabi niya kung ano nga ba ang nagawa ko sa kanya at ganito na lang ako kasungit at kasama sa paningin niya. At that very moment, nanlambot ako. I don't know why, but lumambot talaga yung puso ko nang makita ko siyang naiiyak nang dahil sa'kin. That's the reason kung bakit ko hinablot bigla sa kamay niya yung pita and pinatago na lang ang sukli. I also felt her skin to me nang agawin ko yung shawarma mula sa kamay niya. Hindi ko alam, pero may force na something akong naramdaman. Force ba talaga tawag doon? O parang kinetic energy? Basta, ganoon yung pakiramdam.

"What are you smiling at?" Tanong bigla ni Eden.

"What?" I ask her back.

"Ano'ng ningingiti ngiti mo diyan?"

"Am I smiling?"

"Yes, you were." At tumawa siya ng bahagya habang nakatingin lang sa road.

"Wala ah? Masarap kasi 'tong shawarma kaya siguro napangiti ako. Ok na ba?" I rolled my eyes on her, at tumawa na naman siya.

"I'm not satisfied with your answer, pero sige. Sabi mo eh."

After a few minutes, nakauwi na kami sa mansion. Pinababa na namin sa mga maids ang groceries at si Eden na ang pinabayaan kong mag park ng kotse sa garage. Nang maayos na, dumiretso na kaming dalawa sa kitchen para ayusin ang mga pinamili namin.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon