Kabanata 25

58 4 0
                                    

¤ ISAY ¤


Dalawang linggo ang lumipas simula nang aksidente ni Caleb, at hindi pa din siya nakakapasok ng school, pero nabalitaan naman ng lahat na nagpapagaling na lang siya sa bahay mga isang linggo na ding nakakalipas. Wala akong ideya kung kailan ba talaga siya makakapasok dahil wala naman kaming communication simula nuong araw ng aksidente. Pagkatapos ko din siyang bisitahin ay hindi na ako pumunta pa dahil umaasa naman akong magkikita din kami pagbalik niya sa PEA.

Usap-usapan na din naman palagi na babalik na siya lalo na ngayon na eksaktong dalawang linggo na nang maaksidente siya. Sana nga totoo na ang usap-usapan.

Nandito muli akong nagsisimulang maghalungkat sa loob ng locker, hinahanap ang mga bagay na nararapat sa unang subject. English Literature ang fixed first subject namin kaya hinanda ko na ang book at notebooks ko para rito, at kinuha ko na din ang binder na naglalaman ng project namin ni Caleb. Malapit na malapit na ang deadline.

Speaking of project, dahil nga sa unexpected event na nangyari kay Caleb ay tyinaga kong ayusin mag-isa itong project namin kahit wala akong katulong o ka-brain storm dito. Kawawa naman siya kung pipigain ko pang tulungan akong ayusin ang project, eh ayaw ko nga siyang nahihirapan.

Nasalubong ko na si Star habang papasok ako ng classroom, kaagad naman din siyang nagbeso.

"Magandang umaga sa'yo." Sabay pa naming sinabi sa isa't-isa at oo natawa kami. Pumasok na din kami sa classroom.

Dalawang linggo na din palang hindi naupo si Heidi sa napagusapan naming new seating arrangement simula nang hindi pumapasok si Caleb kaya katabi ko pa rin ang dalawa kong mga friends.

Unti-unti namang napupuno ang classroom dahil sa sunud-sunod na pagpasok ng mga kaklase ko, ngunit wala pa din ang grupo nila Heidi at sina Dim at Andrey. Eh, basta ako nagaayos lang ngayon ng mga gamit. Maya-maya'y dumating na din sa wakas si Natalie na kanina pa naming hinihintay nito ni Star.

"Huy, may good news ako." Malaking ngiti na pagkakasabi ni Natalie, at bumaling naman siya sa'kin. "Lalo na sa'yo, Isay."

"Huh?" Sabay na naman naming sambit ni Star. Yung totoo? Magkakapera siguro kami parehas?

"Nakita ko sila Dim kanina sa ground floor, and guess what?" Excited pa niyang pabitin. Hindi na kami sumagot ni Star at naghintay na lang ng itutuloy niya. "Caleb's back."

"Weh!?" Ang tanging expression ni Star, pero halata sa kanya ang tuwa.

Totoo ba 'to? Nakapasok na ulit siya? Salamat naman sa Diyos kung ganoon at ibig sabihin ay fully recovered na siya. Nakaka-relieve naman sa pakiramdam.

"Ikaw, alam ko 'yang mga ngiting ganyan." Pang-aasar sa akin ni Natalie at nagtawanan naman sila ni Star. Uumpisahan din talaga ako nitong dalawa, eh 'no?

"Well, hintayin na lang natin at nandito na siya mamaya. Excited ka na ba, Isay?" Ani Star at siniko pa ako. Aba?

"Ano'ng excited? Natutuwa lang ako kasi ibig sabihin sobrang OK na siya." Sagot ko, half truth. Masaya naman talaga ako kasi malakas na siya ulit at kaya na niya.

"Natutuwa ka din kasi makakasama mo na siya ulit. 'Nak nang!" Dagdag pa'ng pang-aasar ni Natalie at tumawa na lang kami. Nakakainis 'tong mga 'to, eh kasi naman medyo tama din sila.

"Excuse me?" Natigil kami sa nagsalita, at pagkakita ko'y si Heidi pala. "Isadora, can you go back to my old seat? Diyan na kasi ulit ako uupo eh." Ngumiti pa siya ng matamis samantalang full first name ko pa talaga ang sinabi niya. As if namang totoong nagpapasuyo siya?

"Sabi na nga ba hindi pwedeng walang asungot." Bulong ni Star na feeling ko ay narinig din ni Heidi o sinadya niya talagang iparinig?

Dahil nga naalala ko na naman ang usapan naming dalawa tungkol sa pag-iingat ko para kay Inay at paglayo ko kay Caleb, tumango na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon