Kabanata 18

104 4 2
                                    

¤ ISAY ¤

Si Caleb na lang ang kumakain ngayon dahil tapos na kaming kumain ng handaan. May natitira pa ngang kaunti sa mga niluto.

"Kain ka lang diyan, hijo." Sabi ni Inay kay Caleb. Mukha nga yatang galing sa labanan 'to kasi ang lakas kumain eh.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung papaanong nalaman ni Caleb itong bahay namin. Paano niya natunton 'to?

"Hoy, kayong dalawa." Sabi ko kanila Star at Natalie ng pabulong. "Umamin nga kayo, paano nalaman ni Caleb itong bahay namin?"

Nagkatinginan sila at nagkibit-balikat, sabay pa. Feeling ko talaga magkakasabwat 'to eh.

"Hindi niyo siya inimbita? Paano niya nalaman?" Tanong ko ulit. Kahit pa nag banggit ako kanina kay Caleb ng tungkol sa munting handaan, palaisipan pa din sa'min kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira.

"Baka sinusundan ka niya?" Nakangiti pang sabi ni Natalie. Sinusundan? Ano, stalker lang ang peg?

"Baka naman may kinuhanan siya ng impormasyon kung saan ang address mo?" Sambit naman ni Star.

"Siguradong wala sa inyong dalawa ang nagsabi?" Bakit ba kasi ayaw nilang umamin? Hindi naman ako magagalit. Gusto ko lang ng sagot.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Sagot ni Star, at napansin ko naman siniko siya ni Natalie. Feeling ko talaga may something eh.

Hindi ko na sila kinulit at hinayaan na lang. Natapos na ding kumain si Caleb at mukhang busog na busog siya.

"Ang sarap nga ng handa mo, Isay." Halata pa sa mukha niyang satisfied na satisfied siya.

"Um, Isay, mauna na kami ni Natalie. May pasok pa bukas and hinahanap na din ako nila Mom and Dad." Ani Star.

Nagpaalam naman na sina Star at Natalie kay Inay at sobrang nagpasalamat ang mga ito. Ganoon din si Inay, malaki ang pagpapasalamat niya sa dalawa kong kaibigan. Samantalang, naiwanan naman si Caleb, may sarili kasi nga siyang sasakyan.

"Bye, Isay!" Pagpapaalam nung dalawa nang makasakay na sa sasakyan. Kumaway naman ako habang papaalis na sila.

"Oh, ikaw? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko kay Caleb. Nasa tapat kami ng gate dahil nga nagpaalam na kami doon sa dalawa.

"Ah, mamayang kaunti siguro. Yung Mama mo nagliligpit na ng utensils." Sagot niya. Ay, tutulungan ko pa pala si Inay.

"Tutulungan ko pa pala si Inay. Pumasok ka muna." Inalok ko na siyang pumasok at mabilis naman siyang sumunod sa'kin.

Pagkapasok nami'y nasa kusina si Inay at naghuhugas ng mga pinagkainan. Pinaupo ko muna si Caleb sa sofa naming kasing-tigas ng mukha niya. Sandali, ang sama ko na lang palagi sa kanya hane?

"Anak, huwag na. Ako na ang bahala dito." Pagpigil sa akin ni Inay.

"Sige na po, madami na po kayong nagawa ngayong araw at ako naman po diyan."

"Huwag na nga sabi, anak. Birthday mo ngayon at dapat ay pinagbibigyan ka." Palagi ba talagang exempted 'pag birthday?

"Iwanan niyo na lang diyan at ako na ang maghuhugas mamaya." Ayaw ko lang kasing nadadagdagan pa yung pagod ni Inay. Tama na yung mga effort niya ngayong araw.

Napasulyap pa si Inay sa may bandang salas at nakitang nakaupo doon si Caleb. Tumingin pa ako sa gawi nun at ngumiti lang ang lalaki. Sus! Pa-cute kay Inay eh?

"Nandiyan pa pala ang bisita mo. 'Wag na, anak, at ako na ang magaayos. Huwag mong iwanan doon ang bisita mo at mukhang naghihintay siya." Tinignan ko si Inay na may mapanlokong ngiti. Luh! Nang-aasar na naman. "Hindi ba't sabi ko nga sa'yo, minsan ka lang makakabingwit ng tuna sa dami ng hipon sa karagatan?"

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon