Kabanata 15

44 3 2
                                    

¤ CALEB ¤

Hindi na ako pinapansin ni Isay simula nang mag away kami kahapon. Mula sa second subject kahapon, hanggang ngayon na pumasok kami. Sinusubukan ko siyang i-approach pero bigla siyang lalayo o aalis. Tinatanong ko siya about sa project namin, sabi niya OK na daw yung binigay kong paper works sa kanya. Hindi sa gusto kong maapektuhan dahil hindi kami OK, but I keep on thinking that I hurt her.

"Wala ka bang practice sa soccer?" Biglang tanong sa'kin ni Dim.

"Wala, tinatamad din akong mag practice kung sakali." My only answer. Malapit na nga pala ang sports fest at kapag ganoon, nagiging busy ang mga varsity ng kanya-kanyang sports.

"Kami mayron eh. 2pm, kaya excused ako sa mga masasagasaang subjects." Sabi ni Andrey. Isa siya sa mga varsity ng basketball ng PEA Lions, ang tawag sa basketball team ng school. Last year ay nagawaran siya ng award as rookie of the year.

"Bukas lang kami magkikita-kita nila coach. Ewan ko lang kung mag start na kaming mag practice." Sabi ni Dim. Si Dim naman ay sa marathon varsity.

"Class, dismiss." Rinig ko na lang na sinabi ni Ms. Valderama, our professor in Biology 11.

Tumayo na ako para mag ayos. Lunch na kasi.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Andrey.

"Canteen. May choice pa ba?" Sagot ni Dim. Tumingin sila sa'kin at nagkibit-balikat lang ako.

"Wherever you want." Sagot ko. Wala naman talaga kaming ibang pupuntahan.

"Hihintayin mo pa ba kami o kakain ka na?" Rinig kong tanong ni Star kay Isay. Sumulyap lang ako pero umiwas din kaagad.

"Kakain na siguro ako sa canteen. Mukhang matagal pa kayo." Sagot ni Isay. So, mag isa lang siyang kakain ng lunch?

"Try naming bilisan o mag excuse sa instructor namin para may kasabay ka." Rinig ko namang sinabi ni Natalie.

"Sige na, ayos lang ako. Mauna na kayo at didiretso na akong canteen." Sagot ni Isay, at umalis na yung dalawa niyang kaibigan. Naiwan siya dito habang nag aayos ng bag.

"Cal, hali na. Gutom na ako." Pag aaya ni Andrey. Kunwari ay hindi ko narinig ang usapan nila Isay kanina. Tumango na lang ako at naunang lumabas ng classroom.

Habang naglalakad kami sa corridor ay naisipan kong mag excuse sa dalawa na magbabanyo muna ako at susunod na lang sa kanila sa canteen, pumayag naman sila.

Lumabas ako kaagad ng C.R. at sumilip sa pintuan ng classroom namin 'di kalayuan mula dito. Nakita kong kakalabas lang ni Isay at dito papunta dahil nandito nga naman ang stairs pababa ng canteen.

"Aray!" Napasigaw ako na kunwari ay nasaktan dahil nabangga ko siya sa balikat. Nakita ko ding tila nasaktan siya sa pagpapanggap kong hindi ko siya nakita. "Sorry, sorry. Pasensya ka na hindi kita nakita. Sorry." Hinawakan ko siya sa braso pero pinigilan niya ako.

"OK lang ako." Aniya. Nakita ko naman ang bandage sa kanyang siko at bahid ng betadine sa may tuhod niya. Nagkukulay violet pa ito.

"May pasa ka din sa tuhod?" Tanong ko. Sobra pala ang pagkakabagsak niya kung pati tuhod niya nasugatan.

"Oo, huwag mo na lang pansinin. OK na ako." Sagot niya na parang nahihiyang ipakita ang mga sugat niya. Dahil sa pag-aalala ko'y mabilis akong lumuhod para mas makita ang sugat sa tuhod niya.

"Caleb, tumayo ka nga diyan. Mamaya may makakita sa'yo at may ibang isipin. Ayos nga lang ako - aray!" Hindi ko siya pinakinggan at hinimas lang ang tuhod niya.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon