¤ ISAY ¤
Kakauwi ko lang pagkagaling ng school. Naabutan ko naman si Nanay na nagluluto ng hapunan namin. Madalas yatang napapaaga ang uwi niya kaysa sa'kin ah? O sadyang mahilig na lang akong tumambay sa school pagkatapos ng mga klase?
"Magandang gabi po." Nag mano naman ako kay Inay at matamis niya akong ningitian.
"Magpalit ka muna ng pambahay. Nagluluto ako ng gulay para sa hapunan natin." Aniya.
Pumasok naman na ako diretso sa kwarto at nagpalit na din ng damit. May mga assignments pa nga pala akong gagawin mamaya bago matulog. So, inihanda ko na din ang mga notebooks at modules para sa assignments.
Pagkalabas ko naman ng kwarto ay saktong tapos na sa pagluluto si Inay. Ako na ang naghain para sa'min.
"Lord, salamat po sa araw araw na pagkaing binibigay ninyo. Salamat po sa mga blessings na patuloy ninyong ginagawad sa'min. Amen." Pagkatapos kong mag lead sa prayer ay nagsimula na kaming kumain ni Inay.
Syempre, best part ng hapag-kainan ng isang pamilya ay ang magkwentuhan habang nagsasalo. Ikinwento ko kay Inay ang tunay na nangyari sa'kin nito sa PEA. Ayaw ko namang magsinungaling sa kanya, kahit man lang ito ay makwento ko.
"Anak, sigurado ka bang hindi makakaapekto ito sa scholarship mo?" Seryosong tanong ni Inay. Bakas sa kanya ang pag-aalala.
"Hindi po, 'Nay. Promise. Hindi ko din naman hahayaang madamay ang scholarship ko. Sadyang may mga mapanghusga lang na mga tao at alam mo na, inggit." Sabi ko na lang. Tutal judgemental naman ang mga tao sa paligid ko sa PEA, makiki-ayon na din ako sa kanila.
"Basta, anak, magiingat ka lang. Wala man ako palagi doon sa tabi mo para ipagtanggol ka, pero malaki ang tiwala ko sa'yo." Aniya. Napangiti naman ako.
"Opo, kaya nga po ayaw na ayaw kong sisirain ang tiwala ninyo sa'kin."
"Oh, eh, sino nga ba 'yong Caleb na 'yan? Bakit ba kasi kayo nag away?" Hayan na. Pinasok na ni Inay ang topic sa amin ni Caleb.
"Ah, wala naman po. Nagkainisan lang po, pero OK na kami. Tsaka, tahimik na lang kaming dalawa para mamatay na yung issue kaagad." Sambit ko. Kailangan lang kasi naman talagang manahimik para hindi na lumala.
Kahit pa nagsabi ako kay Inay tungkol doon sa issue ko sa PEA, sorry pero hindi ko binanggit ang pananakit palagi sa akin ni Heidi, o sabihin na nating pambubully niya. Ayaw ko lang sumagad ang pag-aalala ni Inay at baka magdesisyon siyang huwag na akong pag-aralin sa PEA.
"Bakit naman kasi nag aasaran pa kayo nung Caleb? Siguro type ka nun, anak. Hindi ka naman aasarin nun kung hindi nagpapapansin 'yon." Himig pangtutukso ni Inay. Alright! So, ito na yung version 2.1 niya.
"Inay, hindi po. Hindi naman siya nang asar na as in parang bata ako. Nagkainisan lang kami kaya medyo nagkasagutan po." Pag explain ko. Kailangan ko ng acceptable explanation kay Inay kasi yari ako kapag hindi ko siya na-convince.
"Bakit naman? Binastos ka ba niya? O baka bading lang 'yon kaya ininis ka?" Halos masubo ko ng buo yung kanin na namuo na sa bibig ko. Caleb, bading? Pumuti na lahat ng uwak kung bakla 'yong ganoong ka-arogante at kayabang!
"Hindi po niya ako binastos, at higit sa lahat hindi po siya bading. Ang guwapo kaya niya para maging bading." Sagot ko. Narinig ko ang pagtawa ni Inay habang kinurot pa ako sa tagilirang baywang. Hala!
"Ay sus! Naalala ko na siya. Siya yung ikinwento mo noon na guwapong artistahin ang mukha." Luh! Si Inay nang aasar na naman.
"Nagsasabi lang naman po ako ng totoo. Mas magmumukha naman akong defensive kung sabihin kong ang pangit niya na mayabang at arogante."
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...