Kabanata 19

52 3 1
                                    

¤ CALEB ¤

Hindi pa man kami nakakapasok ng pintuan nila Dim at Andrey ay rinig na namin ang sigawan mula sa classroom. Bigla na lang akong kinabahan at kumaripas ng lakad papunta sa ingay. I was really shocked when I saw Heidi pulling up Isay's hair, pero mas nagulat ako nang makita kong galit na galit si Isay habang sinasabunutan din si Heidi and she was really cursing her.

Ito ang unang beses kong nakita si Isay na gumaganti at lumalaban kay Heidi. At dahil na din sa takot kong masaktan pa ng malala si Isay, kaagad ko nang inawat ang dalawa. Marami sa classmates namin ang umaawat, but I couldn't understand why they can't stop them.

Alam kong nabitawan na niya ang buhok ni Heidi dahil hawak ko ang mga braso niya, pero hindi ko malaman kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang atmosphere nang ibaba ni Isay ang mga kamay niya habang nakahawak lang ako sa braso. I know, it was something unfamiliar. Dahil sa bilis ng pangyayari, bigla na lamang napaatras si Isay na parang may tumulak sa kanya sa dibdib. Nakita ko ang pangyayari, but I couldn't tell dahil mabilis lang ito. Nakita ko na lang na nakabagsak si Isay sa sahig.

Mabilis ko siyang inalalayan dahil sa sobrang pag-aalala, ini-upo ko kaagad siya sa chair at tinignan ko kung may malay ba siya. Mabilis pa sa alas kwatro ang tibok ng puso ko. Sobrang nag-aalala ako sa kanya.

Tinapik tapik ko siya to wake her up or para magsalita kung ano'ng nararamdaman niya ngayon. Tumitig siya ng diretso sa mga mata ko and I was relieved dahil she can still smile. Sabi niya na OK lang daw siya, pero bigla na lamang siyang hinimatay na sa pagkakataong 'yon ay mas lalong ikinatakot ko.

"Sino po dito ang kasama ni Isadora Dimalanta?" Sabi nung nurse.

"Ako." Halos sabay-sabay naming bigkas nila Star at Natalie.

"So, kayong tatlo?" Tanong pa ulit niya. What the hell? I don't care kung kaming tatlo, basta I want to know how is she.

"Kamusta po siya?" Natalie asked with worries.

"Maayos naman ang lagay niya sa ngayon. Nawalan lang talaga siya ng malay dahil over fatigue siya. Baka naman may nakakapansin sa inyo na lagi siyang puyat o hindi halos kumakain?" What? No! I know she has been doing great ever since. She's also healthy living, pero paanong over fatigued?

"No, she was fine. She was good and wala naman history na napupuyat siya o stress siya, 'di ba?" Sagot ko at tumingin ako sa mga kaibigan niya. Baka sakaling sila may alam.

"Tama po siya. Maayos naman si Isay at mukhang wala naman siyang pinoproblema." Malungkot na sabi ni Star.

"Ang findings kasi namin ay ganoon. Over fatigue talaga siya, para bang gamit na gamit yung energy niya kaya bigla na lang siya nag passed out ng ganito." Nagkatinginan lang kami nila Natalie and Star. Does she have any problems? Stressed ba siya sa school works or sa pambu-bully ni Heidi? Saan siya napagod?

"Anyway, since hindi pa siya magigising dahil bed rest talaga siya at baka bukas o sa makalawa na siya magising, she needs to be taken in hospital." Payo ulit ng nurse at lumakad na siya ulit papasok sa clinic. Mas lalo akong nag-aalala ng ganito kay Isay at mas gugustuhin ko namang maging OK siya kaagad.

"Ako na ang magdadala sa kanya sa hospital. Please, pakisabi sa professors natin na excused si Isay sa classes dahil nasa ospital siya. And if they will look for me, pakisabi na ding I took her to hospital, OK?" Pakiusap ko sa dalawa niyang kaibigan at mabilis naman silang tumango.

"Ingatan mo si Isay, ah? At si Tita Amalia nga pala. Paki contact naman siya." Paalala ni Star. Aish! Wala nga pala akong contact number ni Tita.

"Pwede kayo na ang mag notify kay Tita? Or I believe na ang school na ang mag me-message sa kanya to let her know what happened to her daughter. Sige na, huwag na kayo sumama papunta doon. Puntahan niyo na lang siya after ng classes niyo and we need to go para mapaayos na din agad ang lagay niya." I told them and they smiled in relief.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon