Kabanata 4

72 3 1
                                    

¤ Eden ¤

"Eden, you should come with your brother, no matter what happens." Sabi ni Dad sa'kin. I'm talking with him over the phone and I just couldn't take it anymore.

"But, Dad, I want to transfer to another school. Hindi lang ang Pearl of the East Academy ang pinaka magandang school dito." Naiinis kong sinabi sa kanya.

"No, Eden! Magkasama kayo ng Kuya mo and that's it! Papasok ka na bukas. Maliwanag?"

"Dad, I don't -" Then he cut me off.

"Eden, hindi. You will be with your brother, unless lumipat siya ng school or until kuhanin ko siya dito sa Georgia at mag-aral siya sa University of Georgia." And that's his final decision. I knew it! Gusto niyang palagi kaming magkasama ni Kuya kasi akala niya nababantayan ako nun. Nagkakamali siya, hinahayaan lang kaya ako ni Kuya sa kung ano'ng gusto kong gawin, unless kung sa mga gimik or inom ay talagang 'di niya ako pinapayagan.

"Fine. Papasok na 'ko bukas." Huminga na lang ako ng malalim. We bid our goodbyes over the phone and we ended the conversation.

Today is the first day of classes sa PEA and my Kuya let me not to attend my school kasi nga alam niyang gusto ko namang lumipat, pero ang sabi niya kailangan kausapin ko sina Mom at Dad kasi wala kaming magagawang dalawa kung kami lang ang mag de-decide. Unfortunately, hindi talaga ako pinalad na ilipat ng school ni Dad. Wanna know why I would like to transfer to another school? Um, hindi naman malalim ang reason. It's just nagsasawa na ako sa PEA, kasi naman simula elementary doon na ako nag-aral 'til present. And sobrang kilala na ako ng mga students doon lalo na ng mga kalalakihan na akala mo mauubusan ng babae sa mundo.

Yes, Kuya Caleb is my savior. Obviously that he's my elder brother and it's his obligation to protect me. Paano ba naman kasi, well, our parents love PEA ever since it was built. Bukod sa isa sila sa nagplanong ipatayo ang napaka mamahaling school na 'yon, madami na rin silang naibigay na pera at panahon para lang maging Pearl of the East ang isang Pearl of the East Academy. But, I swear over my dead body, ayaw ko na'ng pumasok doon. Nabubulok na yung paa ko sa grounds ng school na 'yon at halos yata pati lockers ng estudyante kabisado ko na dahil lang sa tagal ko na nag-aaral doon.

Napahiga na lang ako sa kama at kinuha ang iPad kong pwede ng ihampas sa kalaban sa lapad nito. I tried scrolling down on my news feed, then I saw his post about 2 hours ago.

Looking for someone here...

Sabi nito sa status niya sa Facebook. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatitig sa post na 'yon. Hanggang sa ipinagpatuloy ko na lang ang pag scroll down, pero dahil wala namang nakaka interesado ay nilapag ko na lang ulit sa bedside ang iPad. Ok, Eden, huminga ka. Inhale then exhale lang tapos 'wag mo ng isipin ang post na 'yon.

Sige na nga! Nahihirapan akong tanggalin sa isipan ko yung post niya na 'yon. Sino'ng hinahanap niya doon? Nakikita naman sa location na nasa PEA siya ngayong first day. Why am I expecting that it is me he's looking for? Ang hirap mag-isip kapag hindi mo malaman laman ang sagot. Ang hirap sagutin ng isang tanong na kailanman ay 'di mo mahahanapan ng mas tama pang sagot kahit na alam mo sa sarili mo kung bakit hindi mo na makita yung sagot.

I'm a private person, like Kuya Caleb. He never told me his secrets, his girlfriends, his ka-dates and anything about him even though I'm his younger sister. Minsan na nga lang magugulat ako na may kasama na naman siyang babae or what I mean is kaakbay o kaya hinahatid pa niya. Wala rin naman siyang magawa katulad ko kasi ipinanganak na kaming may magagandang lahi eh.

Until maalala ko na naman ang post nung isa. Hayst! Alright, well, here it goes. Way back then, I was in love with someone whom I can't really have. I'm always seeing him since high school, I'm seeing him everywhere. Sa hallway ng PEA, sa pantry, sa classroom, sa gym, sa locker area, at pati sa panaginip ko. Hanggang sa nagkaroon kami ng chance na magkakilanlan when he was playing basketball and I was the cheerleader. Napapansin ko noon na patingin tingin siya sa'kin habang naglalaro siya. Tuwing may practice siya at may practice kami nagkaka titigan kami sa loob ng gym. Until one day, nilapitan niya ako at pinakilala niya ang sarili niya.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon