¤ ISAY ¤
Nakikita kong papalapit na si Caleb sa kinatatayuan ko habang nakangiti lang ng maluwag. Halatang mas maaliwalas ang mukha niya kumpara nuong nasa ospital kami.
"Good morning." Pag bati niya. Tumango na lang ako bilang sagot. "Um, how have you been?"
"Um," Hindi ko alam ang isasagot. Napakaraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon o sabihin na nating parusa. "OK naman na ako. Fully recovered na."
"Mukha naman eh, you look healthier na." Nagkagat labi pa siya habang nakangiti. Hay, paano ko iiwasan ang mga ganitong klase ng ngiti?
"Sabay na tayo pumasok?" Pag-aaya ulit niya.
Oh, heto na nga 'yon. Nandito na tayo sa sitwasyong mahihirapan ako. Ayaw na ayaw ko sa lahat yung mamimili ako sa pagitan ng mga tao.
"Huh? Hindi, ikaw na lang mauna. Hinihintay ko pa kasi sila Star at Natalie."
"Nakita ko na sila kanina na papasok sa classroom, kaya hali na." Pag lahad pa niya ng kamay. Shems! Ang hirap ng ganito.
"G-Ganoon ba? Um, mauna ka na talaga kasi, ano, dadaan pa ako ng restroom." Pagdadahilan ko. Hindi ko na alam ang gagawin. "Bye." Pagpapaalam ko na lang at lumakad na ng mabilis para hindi na din ako mahabol ni Caleb.
Pagkapasok ko ng restroom, halos mapasandal ako sa dingding dahil sa bigat ng dibdib ko. Ngayon ko naisip na mahirap nga talagang mapalayo sa taong gusto mong malapit lang sa'yo.
Nagpalipas lang naman ako ng ilang minuto bago nag desisyong pumunta ng classroom.
Dumiretso na ako sa upuan ko, pero napasimangot na lang ako nang makita kong nakaupo doon si Heidi at katabi pa din sina Star at Natalie.
"Hi, Isay." Pag bati ni Heidi. Plastik.
"Mawalang galang na, Heidi, umalis ka na diyan dahil andiyan na ang may-ari ng pwestong 'yan." Pagtataray ni Star, pero inirapan lang siya ni Heidi.
"Isay, from now on dito na ako. Doon ka na sa seat ko." Ani Heidi. Nasa likuran na din ng upuan nito si Caleb na naka kunot-noo lang.
"Heidi, please go back to your -" Sabi ni Caleb na hindi niya natapos.
"OK lang. Diyan ka na uupo simula ngayon." Sambit ko. Diyos ko, the struggle is real!
At sa inaasahan ko ngang magugulat ang mga reaksyon ng dalawa kong kaibigan, pati na din ang grupo nila Caleb. Lahat sila'y sobrang nagtatakang nakatingin sa'kin.
Ngumiti na lang ako ng matipid at dumiretso kung saan nakaupo noon si Heidi. Ibig sabihin ay nasa gitna ako nila Leigh at Sammy.
"Ano ba naman 'yan? I don't want to sit beside you." Pagpaparinig ni Leigh. Huminga naman ako ng malalim at nag ayos na lang ng gamit sa upuan.
"Bakit ba kasi lumipat si Heidi doon? At bakit ka naman pumayag, ha? Himala yata?" Sambit naman ni Sammy.
"Eh, gusto niya doon eh. E 'di sige, doon na siya." Sagot ko habang nag aayos lang ng gamit.
"This is a big punishment for us, Sammy." Ani Leigh. Huminga ulit ako ng malalim at lumingon sa kanya.
"Huwag kayong mag-alala ni Sammy, dahil kung ayaw niyo, mas lalong ayaw ko. Tutal nahihirapan lang din naman ako sa inyong dalawa na makatabi, eh damay-damay na tayo dito." Sabi ko at muli ng nag ayos ng gamit. Walang nasabi si Leigh pero nakikita ko sa peripheral view ko na sobrang nakasimangot siya.
'Di nagtagal ay nagsimula na din ang klase. At aaminin kong hindi ako gaanong maka-focus, kasi bukod sa dalawa kong katabi na walang tigil sa pagrereklamo, iniisip ko din kung ano na ba ang pinag uusapan at ginagawa nila Star at Natalie habang katabi nila si Heidi.
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...