Kabanata 14

50 3 3
                                    

¤ ISAY ¤

Isang malaking kalokohan 'tong kasal kasalan na 'to. Sino ba kasing nag imbento nito at bakit sa lahat ng mga tao, ako at si boy arogante pa ang dapat ikasal!? Madami na namang magagalit sa akin nito.

"See? Ikaw na ang pinaka magandang bride ngayon, Isay." Pamumuri ni Star habang nakatingin sa singsing na suot ko.

"Pwede bang alisin na ang mga 'to? Pati ang singsing?" Tanong ko at umiling naman ang dalawa kong kaibigan. Yung totoo? Kakampi ko ba sila o hindi?

"Mag picture pa kayo!" Sigaw nung babaeng nakasalamin at talagang itinulak si Caleb patabi sa'kin. Ang shunga naman nagpatulak at muntik nang bumagsak sa'kin, buti nasalo ng dalawang kamay ko. Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Hindi ko maipagkakaila ang perpektong mukha na ibiniyaya sa kanya ng Diyos.

Ngumiti naman ang loko at tumingin lang din sa'kin. Napansin ko naman ang pagtitig na naman niya sa labi ko. Naku, namumuro ka na! Malapit ko na siyang kasuhan ng pambabastos sa kababaihan.

"Umayos ka nga." Simangot kong sinabi at mukha namang natauhan siya. Umayos siya ng tayo at tumingin sa mga camera na nakatutok sa'min.

"Picture daw tayo." Bulong naman niya. Alam ko! Kaya nga nakatayo tayo ngayon sa mga 'to eh.

Ngumiti na lang ako at naghintay ng kuha kaso ang dami nila. May mga cellphones pa ang iba na kinukuhanan din kami. Ano 'to? Red carpet premier?

"Smile." Sabi ni boy arogante at nangilabot ako nang bigla niya akong akbayan. Wala naman sa usapan ang pag akbay sa picture ah?

"Huy, closer naman." Rinig kong sabi ni Natalie at nang dahil doon ay hinapit ni boy arogante ang baywang ko at nilapit pa ako sa kanya. Hindi ako nakapagsalita at feeling ko ay umakyat ang dugo sa mukha ko.

"Bagay na bagay." Ngiting ngiti na sinabi ni Star at pumalakpak pa si Natalie. Magrereklamo ako sa inyong dalawa mamaya, maghintay lang kayo.

Tumigil na din sa wakas ang picture-an at napahiwalay na din ako sa wakas kay boy arogante. Susme! Ang puso ko ay lumakas na naman ang tibok. 'Di ko na marinig ang nasa paligid ko. Inaalis na din nung mga naka-assign sa booth na 'to ang belo sa ulo ko.

"Yung singsing?" Tanong ko at umiling lang yung babaeng tisay.

"No, sa inyong dalawa na 'yan ng groom mo." Ngumiti pa siya ng parang may kahulugan. Huh? Couple ring? Psh! Ang corny.

"Pati 'yang bulaklak." Sabi pa nung babaeng nakasalamin. Hindi ko alam ang mga pangalan nila kaya description na lang.

"Salamat... Alis na tayo." Baling ko naman sa dalawang kaibigan ko na may tinitignan sa mga phones nila at nagkikiligan. "Hoy, alis na tayo." Sabi ko ulit.

"Naku, tinitignan lang kasi namin yung pictures niyo ni Caleb. Ang bagay niyo talaga. Gusto mo makita?" Kinikilig na sabi ni Star at umiling lang ako.

"Huwag na. OK na 'yan. Hali na." Pagaaya ko sa kanila. Lumingon naman sila sa grupo nila boy arogante na mga naguusap usap din at parang inaasar ang bagong kasal kasalan.

"Guys, salamat. Mauna na kami. Nag aaya na kasing umalis yung bride eh." Pagpapaalam ni Natalie.

"Congrats sa inyo, Caleb. Gusto niyo mag suggest kami kung saan kayo pwedeng mag honeymoon?" Si Star. At talagang napasimangot ako.

"Star! Ano ba 'yan? Hali na kayo!" Hindi ko na napigilan ang pag sigaw at nagmadali nang magpaalam ang dalawa sa kanila boy arogante. Napasulyap ako saglit sa kanya at ngumiti lang siya sa'kin habang kumakaway.

"See you, my bride." Bulong niya ng walang boses. Alam kong 'yon ang binuka ng bibig niya at mas lalo akong nag panic na umalis na dito. Ayaw ko na!

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon