Kabanata 1

101 2 1
                                    

Isang araw.

Sa isang lugar na malayo sa kabihasnan at sa katotohanan, nagkakasiyahan ang lahat ng nilalang, diwata, at dugong bughaw na naririto at tila may selebrasyong gustong paghandaan ang bawat isa.

Isa sa parte ng buong kaharian ng Gladiol inilunsad ang pagkakapanganak ng natatanging Reyna ng kaharian ng Ria na si Reyna Savana. Naisilang niya ang magiging pinuno ng kaharian ng Ria balang araw. Isang napaka gandang sanggol na babae ang naisilang ni Reyna Savana na ikinasigla lalo ng buong kaharian ng Gladiol, lalung-lalo na ng Ria.

Mabilis na nakarating ang mensaheng ito sa tatlong kaharian sa Gladiol: ang Hidro, ang Lios, at ang Gonus. Ang mga kaharian na nagsisimbulo sa elemento ng tubig, lupa, at apoy.

"Mahal!" Pag tawag ni Haring Samson sa Reyna na si Reyna Helena. Ang hari't reyna sa kaharian ng Hidro. "Sa wakas, naisilang na ni Reyna Savana ang bagong tagapagmana para sa kaharian ng Ria." Masiglang ibinabalita ni Haring Samson sa kanyang Reyna.

"Nais kong bigyan ng regalo ang kanilang munting sanggol. Regalo ng mga biyaya at gabay, pati na rin ng lakas hanggang sa araw na ilipat na sa kanya ang korona bilang susunod na magiging reyna ng Ria." Galak na pagkakabigkas ni Reyna Helena sa kanyang Hari. Hinimas niya ang kanyang singsing at nagliwanag ang kumikislap na kulay puti mula sa bato ng kanyang singsing.

Ito ang hiyas ng Diamond na kung saan itinakda sa mamumuno ng kaharian ng Hidro. Ang hiyas ng Diamond ay nagsisimbulo ng 'innocence'. Makapangyarihan ang hiyas na ito at wala'ng sinuman ang maaaring kumuha ng makapangyarihang hiyas dahil ang kaparusahang kamatayan ang ihahatol sa kung sinuman ang magtangkang angkinin ang singsing o hiyas mula sa reyna o hari.

"Ibigay na lamang natin ang ating mga regalo sa itinakda sa araw ng selebrasyon ng kanilang sanggol." Masayang payo ng Haring Samson.

"Ganoon nga ang gagawin ko aking mahal." Nakangiting bigkas ng Reyna Helena.

Samantala, ganoon din ang lagay sa kaharian ng Lios. Nagdiriwang ang mga tao at masagana silang naglalaro sa kaharian dahil sa ligayang nararamdaman para sa tagapagmana ng Ria.

"Naipanganak na ang susunod na reyna ng Ria. Masayang masaya ako para sa aking kapatid at sa kanyang hari." Walang mapagsidlan ang ngiti ni Reyna Almira na lubos na nagagalak sa nangyayari.

"Ipinapadala ko ang mensahe sa hari at reyna ng Ria. Masayang masaya din ako para sa kanila. Hindi ko na mahintay ang selebrasyong magaganap para sa itinakda." Masigla rin na pagkakabigkas ni Haring Ramon. Ang Hari ng kaharian ng Lios.

Sa kaharian naman ng Gonus ay naghahanda na sina Reyna Victoria at Haring Adan sa araw ng selebrasyon ng pagbabasbas sa tagapagmana ng korona sa Ria.

"Buo na ang ating mga sanggol na susunod sa yapak ng ating pamumuno sa mga kaharian. Lubos akong nagagalak, lalo na't para sa aking kapatid." Halos mangiyak-ngiyak pang binigkas ni Reyna Victoria.

Nakangiti naman siyang nilapitan ng kanyang hari. "Sana ay patuloy lamang ang masaganang nangyayari sa buong kaharian ng Gladiol. Taos-puso kong bibiyayaan ng handog ang tagapagmana at prinsesa ng Ria." Sinseridad na pagngiti ang inihandog ni Haring Adan sa kanyang natatanging reyna.

Bukod sa masaya at masaganang pagtitipon ng mga tao sa buong kaharian ng Gladiol, ay may isang natatanging hindi maligaya sa nangyayari. Para kay Deborah, hindi maaaring maging maligaya at magtagumpay ang mga pinuno sa apat na kaharian. Siya lamang ang pwedeng maghari ng kaharian ng Gladiol at wala ng iba.

"Isinilang na nila ang prinsesa ng Ria. Ngayon, kailangan ko ng isakatuparan ang aking binabalak." Sabi nito sa sarili habang pabalik balik na nakatingin sa isang malaking salamin. "Sa araw ng selebrasyon at pagtitipon, papaslangin ko silang lahat. Papaslangin ko ang mga reyna at hari. Papaslangin ko ang lahat ng tutol sa pamumuno ko! Papaslangin ko ang apat na sanggol, ang mga tagapagmana ng pamumuno ng apat na kaharian." Nagbigay ito ng nakakakilabot na ngiti sa harapan ng salamin.

The Princess and His Magic (Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon