After 20 Years
¤ ISAY ¤
"Anak!? Anak, papasok na ako!" Rinig kong ngawngaw ni Inay. Ngawngaw talaga eh, 'no? Kasi naman, talo pa ang busina ng barko sa lakas ng boses ng Nanay ko.
"Heto na po, Inay! Saglit lang!" Sagot ko naman pabalik. Nandirito kasi ako sa kwarto at nagpapatuyo pa ng buhok dahil katatapos ko lang maligo.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko na'ng asul na polo ni Inay at ang kanyang itim na slocks pants. In fairness, ang cute niya sa uniporme niya. Bilugan pa man din ang katawan nito.
"Yung almusal mo nasa lamesa na, ha? Pasensya na at nagmamadali na talaga ako. Alam mo naman, unang araw ng mga estudyante sa eskuwelahan kaya dapat maaga ako." Sabi niya.
"Naku, Inay! Ano ka ba naman? Sige na at pumasok ka na. Mag-ingat ka po. Love you!" Humalik na ako sa pisngi niya. Kumaway naman siya habang papalabas ng pintuan at mabilis ng naglakad.
Akala niyo siguro estudyante siya o teacher, 'no? Hindi po. Cashier siya sa canteen ng isa sa pinaka mamahaling eskuwelahan dito sa bayan namin. Sabihin na nating elite school ito. Ang pinapangarap kong pasukan, kaso hindi talaga namin kakayanin ni Inay kapag pera ang pag-uusapan. Ang Pearl of the East Academy o kilala din sa tawag na PEA. Sa bayan kasi namin dito sa Del Patio ay maraming eskuwelahan pero lahat ay mahal at ang pinaka mahal sa lahat ay ang Pearl of the East Academy na talagang papangarapin mong pasukan dahil na din sa ganda ng background ng school na 'yon at nandoon na din ang magaganda't gwapo at matatalino. Kaso nga lang hindi ako nababagay doon.
Tama na nga ang kwento at baka ako naman ang ma-late. Oops! Hindi din po ako estudyante, kundi mail lady ako. Delivery girl ng mga dyaryo tuwing umaga, delivery girl ng mga mensahe. In short, sige na nga, delivery girl talaga.
Habang nagba-bike ako papunta sa Delgado's Papers Shop kung saan ako nagtatrabaho ay ang dami ko na namang nakakasalubong sa daan. Kalahati yata ng tao dito sa lugar namin ay kilala ko. Sa loob ba naman ng 20 years na nakatira kami dito ay hindi ko pa ba makikilala ang mga mukha ng tao sa'min?
"Isay, magandang umaga!" Sigaw ng isa sa pinaka patok na tindera dito sa lugar namin.
"Magandang umaga din ho, Aling Belen!" Kaway ko naman sa kanya. Napaka sarap ng mga tinda niyang merienda kagaya ng palabok, halo-halo, karyoka, banana cue, mais con yelo at kung anu-ano pang merienda. Talagang dinadayo ang street namin dahil sa mga tinda niya.
"Magandang umaga, Isay! Ingat ka!" Bumati naman sa'kin ang kagalang-galang na technician sa lugar namin.
"Magandang umaga ho, Mang Chico! Salamat po." Pagbati ko pabalik sa kanya. Meron siyang pagawaan ng appliances mismo sa garahe ng bahay niya. Basta lahat ng de-baterya o de-saksak na bagay inaayos niya.
Pagkarating ko sa Delgado's Papers Shop, tinungo ko na si Madame Ursula. Siya ang nag-uutos sa akin kung ilan ang ipapadala kong dyaryo at kung saang mga bahay ko ito ihahagis.
"Good morning po, Madame Ursula." Masayang pagbati ko.
"Good morning. Oh, heto na ang listahan at mga dyaryo." Sambit niya. Sanay na ako kay Madame Ursula. Hindi nga niya kilala si smiley o kaya si emoji. Wala kasing ekspresyon yung mukha niya at lagi lang siyang naka-poker face pagkatapos monotone pa kung sumagot.
Lumabas na ako at inilagay sa loob ng basket ang pinagpatong-patong na dyaryo pati na din ang listahan ng mga bahay na papadalhan ko nito.
Nilibot ko na at ipinadala ang mga dyaryo sa mga bahay. Kailangan ko ito matapos kaagad, kung hindi pipingutin ako ni Madame Ursula sa patilya. Maliban dito sa lugar namin o village namin, lumalabas din ako dito dahil nagpapadala ako sa mga shops, offices at schools.
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...