¤ SIN ¤
Kakauwi ko lang galing practice sa basketball. Varsity ako ng basketball ng PEA Lions sa apat na taon, at dahil malapit na ang sports fest ay kailangan talaga naming paghandaan ito. Ngayon ay nasa blue team ako at ako ang ginawang captain ng team.
"Kumain ka na dito, Arthur." Pag aaya ni Tita Melanie. Tumango naman ako at umupo na sa harapan ng hapag kainan. "Oh, hindi ka ba natuyuan ng pawis?" Tanong niya. Umiling lang ako at ngumiti. Kahit kailan talaga si Tita bini-baby ako.
"Mukhang masarap 'yang puchero mo, Ta?" Masarap kasi lagi ang mga luto ni Tita kaya sagana ako sa pagkain at alaga mula sa kanya.
"Heto, heto kumain ka na." Hindi ko na siya napigilang pagsandukan ako ng ulam at kanin. She's one of the best women I've known.
"Alam niyo po, excited na ako sa sports fest namin. Kanina lang kami binuo at nasa blue team ako tapos ako ang kinuhang captain ni coach." Kwento ko kay Tita habang kumakain.
"Sus, anak, alam ko namang kayang kaya mong buhatin ang team mo. Pwede bang manuod kung sakaling mag sports fest na kayo?"
"Oo naman, Tita. Papapuntahin talaga kita doon para madagdagan lalo ang inspirasyon ko." Nag taas-baba pa ako ng kilay at natawa naman siya.
"Madagdagan? Ibig sabihin may isa pa?" Paninigurado niya. Oops! Nadulas na yata talaga ako.
"Um, kasi... oo mayrong isa. Ibig ko pong sabihin, manunuod din siya. Pero opo, may isa." Hindi ko alam ang isasagot ko at nakita ko namang napangiti ng makahulugan si Tita.
"Hm? Bakit hindi sinasabi sa akin ng magaling kong pamangkin?"
"Tita, kasi ipapakilala ko siya kapag kami na. Huwag kang mag alala, ipapakilala ko naman talaga siya sa'yo dahil ipagmamalaki ko siya sa buong mundo. At syempre, sa'yo po. Dahil parte ka ng buhay at mundo ko, Tita, ipapakilala ko siya sa'yo." Pagpapaliwanag ko na ikinangiti naman ng matamis ni Tita.
"Oh, sige alam ko namang ipapakilala mo sa'kin ang babaeng 'yan. Maaaari ko bang malaman ang pangalan niya?"
"Um, Eden po. Eden Pauline Del Valle po."
"Maganda siya, 'no?"
"Sobra, Tita. Sobrang ganda niya na halos perpekto ang mukha sa kagandahan. 'Yon din ang isa sa mga rason kung bakit ako na love at first sight sa kanya." Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig kapag naiisip ko ang mukha at ngiti ni Eden. Ganito talaga siguro ang epekto niya.
"In love ba ang pamangkin ko?" This time, nag seryoso sa tanong si Tita. Ibig sabihin seryoso na siyang malaman ito.
"Ah, kasi... kasi po..." Napayuko ako at hindi maiwisang mapangiti. "Oo, Tita. Matagal na."
Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Wala na talaga siguro akong hahanapin pa lalo na kapag bumalik na sa'kin ng buong buo si Eden. Basta kapiling ko si Tita Melanie at ang babaeng mahal ko, mabubuhay na ako.
"Hinay hinay sa pag-ibig, anak, baka kainin ka niyan." Mukhang nagpapayo na siya. Ito yung isa sa mga OK pakinggan sa lahat, ang payo ng isang magulang. "Nakikita kong masaya ka sa babaeng 'yan, Arthur. At wala na akong hihilingin kung hindi makita 'yang ganyang ngiti mo." Biglang nanlambot lalo ang puso ko.
"Mahal na mahal ko po siya. Halos maisakripisyo ko na ang lahat bumalik lang siya sa'kin. At alam kong mahal din ako ni Eden, kaya mas lalo akong nagpupursiging maibalik siya. Yung maging kami na para akin na talaga siya." Hindi ko napigilang mag open kay Tita. Feeling ko kailangan ko din talaga ilabas yung nararamdaman ko para gumaan yung kakaunting mabigat.
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...