¤ SIN ¤
Second day sa PEA, but still tinatamad pa din ako. Bakit nga ba naging ganito na ang pakiramdam ko sa school na 'to na dati ay hindi naman. Hindi ba dapat kapag kakapasok mo lang ulit galing sa bakasyon ay excited kang mag klase ulit? Kaso, ako, hindi na ganoon.
"Huy, Sin!" May tumawag sa pangalan ko mula sa likuran. Lumingon ako at nakita ko si Cassie na napakalaki ng ngiting kumakaway papunta sa'kin. Diyos mio santisima marimar. Bakit ako tinatawag nito?
"Ah, Cassie? Bakit?" Nagtataka kong tinanong. Bigla niya akong inakbayan sa braso. Hala?
"How are you, baby boy? I've been missing you." Pabebe niyang pagkakasabi. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Ok lang ako kanina. Pero, ngayon hindi na." Sagot ko. Umismid naman siya, pero tumawa na lang ulit.
"Hindi mo ba 'ko na-miss? Hindi ka na kasi nagparamdam nung bakasyon eh. Saan ka ba nagpunta?" At hinigpitan pa niya ang paghapit sa braso ko. Hay, naku! Bakit ba 'ko napaparusahan ng ganito?
"Umalis ako para tumigil ka na. Para tumigil ka na ng kaka-tag sa'kin sa mga pictures at kakakausap sa'kin. Pwede ba, Cassie, lumayo ka na nga." Inalis ko na ang braso niyang nakapulupot sa'kin. Bwisit eh. "'Wag mo ng sirain yung araw ko, pwede? At kung pwede din, mauna na 'ko at baka ikaw pa ang sisihin ko kapag na-late ako sa klase. Bye." Tumalikod na ako at mabuti naman at hindi na siya humabol, rinig na rinig ko nga lang ang pagsisisigaw niya sa pangalan ko.
Si Cassie Montecillo, one of the popular girls in school. Maganda, maputi, sexy, mabango at basta nasa kanya na ang lahat. At ang kwento niyan ay nagsimula nang malaman kong sobrang crush niya ako. Kinuha niya yung number ko noon sa isa sa mga ka-band mates ko at ang kapalit ay hahalikan siya. Tapos text na siya ng text sa'kin. Sumasama din siya sa mga lakad namin ng ka-banda ko, kaya nag mukha kaming close ni Cassie.
Isang gabi, sobrang nalasing ako kaagad sa ininom namin at hindi ko alam kung bakit. Ramdam kong nakaakbay ako at naglalakad, pero sobrang hilong-hilo ako na hindi ko maidilat yung mata ko dahil sa pagkahilo. Naramdaman ko na lang yung malambot na kama na pinagbagsakan ng katawan ko. Hanggang sa may naghuhubad na ng polo ko at humahalik sa'kin.
"Shhh! Ok lang ito, Sin. Ako 'to si Cassie at alam kong gusto mo din 'to." Rinig ko ang boses babae at alam kong si Cassie nga siya.
"Hm, ano ba? Cassie," Ramdam kong wala na akong pang-itaas. Hanggang sa nararamdaman ko na na tinatanggal niya ang belt ko. "Tama na."
"Sin, gustong-gusto kita. Alam kong gusto mo din ako. Hindi ba? Kaya gawin na natin 'to. Ibibigay ko naman ang lahat sa'yo." At pinagpatuloy lang niya ang pagtanggal sa mahigpit kong sinturon. Naalimpungatan ako at nakita ko na ang mukha niya kahit nahihilo na ako. Naka-bra na lang siya at patuloy lang sa pagtanggal ng pantalon ko.
"Tama na, Cassie. Tama na." Nakayanan kong umupo at pigilan siya kahit nahihilo pa din ako. Hinawakan ko ang mga braso niya. "Cassie, hindi tama 'to. Ayaw ko ding i-take advantage ka."
"Pero, Sin? Gusto ko din naman 'to." Nabigla ako nang halikan niya ako ng malalim, pero sinubukan ko siyang ilayo.
"Cassie, ano ba!?" Naitulak ko siya palayo sa'kin. Mabuti na lang at nahimasmasan ako. "Sabi ngang ayaw kong gawin sa'yo 'to!"
"Ang sabihin mo ayaw mo lang sa'kin! Bakit, Sin!? Hindi pa ba ako sapat!?" Kahit madilim ang kwarto, nakikita ko pa din mula sa liwanag ng buwan yung mukha at yung mga mata niyang naluluha na. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang bra niya at tanaw na tanaw ko na ang dibdib niya. "Ayan! Kaya kong ibigay sa'yo ang lahat, Sin!"
BINABASA MO ANG
The Princess and His Magic (Fantasy)
FantasyAir, Water, Earth and Fire: Ang apat na elemento at simbulo na bumubuo sa buong kaharian ng Gladiol, kung saan naninirahan ang mga dugong bughaw na may taglay na mahika. Sa pagkawasak ng kaharian ng Ria, Hidro, Lios at Gonus na sumisimbulo sa apat n...